Sunday, March 15, 2009

Friends in love and in sex

For the past few days, medyo naging luko-luko ako sa dalawa kong kaibigan.  Napagkatuwaan ko sila na ipareha.  Madalas ko silang lokohin noon na ako ang isa sa magiging masaya kapag nagkatuluyan sila. And since they are both broken hearted (although pareho nila dinedeny), I thought that there may be a chance na maging sila.

Syempre, violent ang reaction nila sa aking panunukso. Hinding hindi daw sila magiging item dahil di sila talo.  Nakipagburautan sila pareho sa akin sa text pero matindi lagi ang banat ko sa kanila kaya't natigil din sila sa pagtetext.  Sa ganang akin ay sumuko na sila sa akin dahil hindi na sila makabato ng birada. Hehehe!  Aabangan ko na lang ang kasal nila na PURPLE TALONG ang motif. Hahaha!
______________________________________

On a more serious note, I just wanna write my thoughts on friends becoming lovers and friends having sexual acts together.

In a previous blog, nasabi ko na sa kasalukuyan, hindi ko kayang makipagrelasyon sa isang kaibigan. At mas lalong di ko kaya makipag sex sa kanila. I think it's just the conservative side of me.  My blog elicited a reaction from a friend.  Nabanggit niya na minsan ay hindi ito nasusunod sapagkat iba ang idinidikta ng ating puso na sya namang ating sinusunod.
 
I gave that idea some thought.  And maybe, he is right.  Maybe there are cases na exempted sa aking paniniwala.  Maaari din naman siguro talagang maging magkaibigan muna bago maging magsyota ang dalawang tao kabilang ang mga PLU. (Sa katanuyan, may mga mag-asawa naman na naging magkaibigan muna bago nagkatuluyan).

Sige, tatanggapin ko na ang katotohanan na yan ngayon.

Eh paano na ang pagiging sexual partners ng magkaibigan? Puwede ba yon?

Sa kasong iyan, medyo hindi na ako sang-ayon.  Right now, I could not imagine myself having sex with anyone from Engkantadya nor any of my friends outside of that circle.  Kahit sabihin mo pa na lasing ako o high sa drugs, hindi ko ata kayang makipaglaplapan o makipag-do sa kahit kanino sa kanila lalo na't kapatid ang aming turingan.

Medyo istrikto na ang aking panuntunan sa buhay pagdating sa pakikipagsex sa kaibigan. This is a big no no for me!  Nirerespeto ko ang aking mga kaibigan at ang aming relasyon. Mahalaga sa akin ang pagkakaibigan at hindi ako gagawa ng isang bagay na ikakasira nito.  Ang sinumang kaibigan na magsasamantala sa kahinaan ng kanyang kaibigan ay hindi tunay na kaibigan.  

I believe that as friends, you are there to support, help and respect each other.  There should be no carnal desires.  If you are dared to do something inappropriate, the best way to get out of it is to refuse, no matter how drunk you are. This is just me.  I know that there are people out there who do it with their friends.  I am not here to condemn them or their act.  To each his own.  This is just my opinion.

1 comment:

Gram Math said...

this could be explain why the Greeks has four kinds of love. right now, you might think that you can't imagine having sex with them maybe because you love them plainly as friends and you value their friendship but sometimes more than that may happens (and if that happens please let us know hehehhe). I have imagine myself doing it with my cousins which my friends reacted so much when i tell them this.