Saturday, March 7, 2009

The Late Cebu Pacific

Noong isang taon, nakapagsulat na ako ng blog ukol sa aking pagkapikon sa airline company na Cebu Pacific (CEB).  Alam ko na maraming nagrereklamo sa serbisyong binibigay nila sa mga taong sumasakay sa kanila subalit mukhang hindi naman ata nakikinig ang kumpanyang ito dahil na din sa walang choice ang mga Pinoy dahil sa baba ng singil ng pamasahe na inooffer nila.

Ilang beses din naman kasi ako lumilipad sa loob ng isang taon at karaniwang CEB ang aking sinasakyan dahil sa mas mura nilang pamasahe. Subalit nagpa PAL din naman ako paminsan-minsan lalo na't kung mura ang kanila pamasahe.

Anyways, bakit nga ba pikon na pikon ako sa CEB?

Kapag delayed ang flight nila, hindi nila binibigyan ng impormasyon ang kanilang pasahero na madedelay ang lipad nila.  Maglalagay sila ng oras sa boarding pass subalit hindi naman nila ito sinusunod.  Sa daming beses ko nang lumipad gamit ang CEB, ilang beses na din ako lumapit sa counter nila para tanungin kung bakit hindi pa din kami nagboboard at bakit wala pa ding advisory. At ang karaniwang sagot ng kanilang mga ground crew ay: Wala pa po kasing advisory eh!  Pucha!, common sense naman kaya di ba? kung ang boarding ng eroplano ay 825 PM at 8:30 na, hindi ba't dapat man lang ay sabihan nila ang kanilang pasahero na delayed na ang flight?  Akala ata nila eh tanga mga pasahero nila at hindi magrereklamo (which is usually the case among Filipinos! we don't complain. Sorry na lang ang CEB, kasi I complain a LOT at di ko sila titigilan at aalisan hanggat wala silang nabibigay na maayos na sagot sa akin.)  

Baka akala ng CEB ay sila lang ang eroplano na nasakyan ng kanilang pasahero.  Nakasakay na din ako ng ibang mga eroplano at kung delayed ang flight nila ay talagang may advisory sila lalo na ang mga international airlines. At wag nila sabihin na budget airline sila kaya sila ganon dahil kahit mga budget airlines ng Singapore at Malaysia ay mas maayos ang serbisyo kaysa sa kanila.

Hindi naman problema ang pagkakaron ng delayed flights dahil normal lang yun sa lahat ng mga airlines lalo na't busy ang air traffic o kaya'y may kailangang ayusin sa eroplano subalit ang hiling ko lang sana ay magbigay sila ng advisory at huwag nilang gawing mukhang tanga at clueless ang pasahero nila na naghihintay subalit di man lang nasabihan na "oy mga tangang pasahero ng CEB, delayed flight niyo!

Sa dinami-dami ng mga ginawa kong pagtataray sa ground crew at FA ng CEB, di ko na babanggitin at baka maloka lang ang mga babasa ng blog na ito at sabihin na napaka war freak ko!

Pero sa ngayon, isang flight na lang ng CEB ang aking sasakyan. No choice dahil naka book na ako. Buti na lang matapos yun ay PAL na ako.  Matapos ang isang nakakarimarim na karanasan sa CEB nung isang araw ay hindi na muna ako sasakay sa eroplanong ito. Mag ZEST AIR na lang ako kaysa mag CEB. pweh!

6 comments:

Anonymous said...

Naalala ko nung may plant visit at field trip ang section namin nung ako ay nasa unibersidad ng buraot pa...

na-delay lang ng konti ang eroplano, umalma na ang mga klasmeyts ko. Taranta ang mga ground stewards sa pagpapaliwanag. Habang ngingiti ngiti lang ang professors na kasama namin. Halatang nag eenjoy sa mga pagka-war freak ng mga estudyante nila.

haaaaaay ang pagiging dugong maroon, dala hanggang pagtanda.

Bloiggster said...

ay naku rain, bwisit na bwisit talaga ako dyan sa CEB!

i enjoy startling their ground crew and sometimes their FA's. kala nila kasi eh mga tanga pasaherong pinoy eh! they should remember na nasa service industry sila kaya dapat ay magbigay sila ng tamang serbisyo.

minsan kasi, mas binibigyan pa nila ng halaga mga puting pasahero kaysa sa mga kapwa pinoy nila!

tumataas ang presyon ko! haha

Gram Math said...

hahhaha, never experienced this though. some filipinos don't complain which is very true I think that is our very nature since we are already used to the situation or I don't know but there are times that I complain and after that I regret why I have done such thing.

Joaqui said...

I also experienced something like this in Cebu Pac. MY flight was moved to a different schedule without even informing me.

I was in a weekend trip to Bohol but I bought MNL-CEB round trip tickets. I bought a morning flight for MNL-CEB because I did not want to be late for work that day. When I checked in, the ground crew told me that the boarding time is around 5 hours after my scheduled trip. I asked her for clarification and she told me that they cancelled the morning flights and that's the schedule for that day. I was shocked. I asked her, why was a customer not informed of changes in the schedule?

I would have wanted to give the ground crew one hell of a tongue lashing but then I just thought, not worth it. I just came from a vacation might as well enjoy the "additional" hours. So I went to Ayala and shopped some more. hehehe

Btw, I think, ZEST Air is a sister company of Cebu Pac. Might as well fly with PAL or PAL express.

Bloiggster said...

@ Gram Math

nature na ng pinoy na di nagrereklamo kaya laging nalalamangan ng mga tusong tao. pero it has always been my policy na magcomplain kasi kung di magcocomplain mananatiling panget ang serbisyo at pagtrato sa yo ng mga kumpanya na nasa service industry.

our customer service here in the philippines is really bad compared to other countries. lalo na kung ang pagsisilbihan nila ay kapwa pinoy.

Bloiggster said...

@joaqui

zest air was formerly sea air and asian spirit. nagmerge sila kaya may zest air na ngayon.