
For the past 9 days, tulad ng maraming mga Pilipino, gumigising ako ng 3:30 ng umaga.
For somebody who is on vacation, it was really a big sacrifice to wake up that early. Imbis na gumigimik ako sa gabi ay natutulog ako ng maaga nang sa gayon ay matupad ang aking goal na tapusin ang 9 na araw ng simbang gabi.
I live in a pilgrimage city, therefore, it is expected that thousands would flock to the cathedral just to hear mass and visit the miraculous image of the Virgin Mary.
And sometimes, magugulat ka sa kung saan pa nanggaling ang mga tao na nagsisimba sa aming katedral.
Sa 9 days na aking pagsisimba, iba't ibang obserbasyon na din ang aking nagawa ukol sa mga pari na nagmisa, sa mga tao na nagsisimba at syempre sa aking sarili.
Una, sa mga pari:
Iba't ibang pari ang nagmisa mula day 1 hanggang day 9. Iba't iba ang kanilang estilo ng pagmimisa. Most of them gave good homilies which lessened the boredom for some church goers. But definitely, my favorite is the Monsignor who celebrated the last mass today.
May isang pari na late. May isang pari na paikot ikot lang ang sinasabi. May isang pari na nagpokus lang sa social isyu at hindi kinonek sa gospel and kanyang sermon.
Pero over-all, maganda ang quality ng mga misa ngayong taon na ito.
Mga nagsisimba:
Iba't ibang uri ng tao ang nagsisimba. May mga mayayaman, may mga middle class at syempre, may mga jologs din.
Matatanda, bata, babae, lalake, bakla, magsyota, magbarkada, magkapamilya, magkapuso, lahat sila ay makikita mo sa loob at labas ng simbahan.
Obviously, those who came in groups, especially the magkakabarkadas were pretty noisy. They would chitchat even though mass was going on. Some would text during mass while some did not even receive the host properly during communion.
But generally, mas madami pa din naman ang nagkoconcentrate sa misa at mataimtim na nagdarasal. Siguro kelangan lang ng edukasyon ng ilan sa ating mga kababayan kung paano ang tamang behavior sa loob ng simbahan.
Sa aking sarili:
Taon-taon na lang, sinisikap ko na makumpleto ang 9 days na simbang gabi pero never ito nangyari. The closest i came was 8 days, around 3 or 4 years ago. Mahirap talaga gumising ng daling-araw lalo na't napakalamig sa umaga.
It has always been a belief among Pinoys that when you complete the 9 days, you are allowed to make a wish and it will come true. Hindi naman ako hipokrito para sabihin na di ako naniniwala dito. Syempre, gusto ko din magwish at nais ko itong matupad. But of course, it was not my primary motivation. Sinikap ko na ayusin ang aking relasyon sa ating Poong Maykapal lalo na't panahon ng Kapaskuhan.
Inaamin ko naman na hindi ako naging mabuting Katoliko sa nakaraang mga taon. Naisip ko na panahon ito para iimprove ko ang aking relationship with God. And going to mass everyday was such a great feeling. And I am very thankful that I had the opportunity to do it this year. And I feel that God has forgiven me for all my shortcomings as a Christian.

BONUS
Syempre, may bonus din ang pagsisimbang gabi kasi after the mass, i got to eat yung mga pagkaing Pinoy na sikat na sikat sa tuwing sa sasapit ang panahon na ito: bibingka at puto bumbong tapos may lugaw at pan de sal pa.
ISANG MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT!
FELIZ NAVIDAD!
MERRY CHRISTMAS!
JOYEUX NOEL!
SELAMAT HARI NATAL!
MALIPAYONG PASKO SA TANAN!