Friday, March 20, 2009

Pagtanda

Isang taon na naman ang nadagdag sa aking edad.  At panahon na naman upang pagmunihan kung ano nga ba ang aking na-achieve sa loob ng isang taon.

May nagawa ba ako na kapaki-pakinabang? 

Naging mabuti ba akong anak? eh kaibigan kaya?

Marami ding nangyari sa loob ng isang taon.  Ang taong 2008 ay naging mabuti sa akin:  

  • Nagkaroon ng mga bagong kakilala at kaibigan
  • Naging mas maganda ang relasyon ko sa aking pamilya
  • At patuloy na maganda naman ang kalagayan ng aking kalusugan salamat sa ginagawa kong healthy lifestyle
Alam ko na hindi ako naging relihiyoso subalit alam ko na alam ng ating Tagapaglikha na naging mabuti akong tao sa kapwa ko.  Bagaman nagkamali ng ilang beses, minarapat ko namang humingi ng tawad sa lahat ng aking pagkukulang.

Sa lahat ng mga nakilala at naging kaibigan, salamat at nagkatagpo tayo ng landas.

Sa mga naging kaaway, forgive lang ayos na yon. (sensya na, I don't forget eh)

Sa pagsapit ng bagong kabanata sa aking buhay, umaasa ako na magiging positibo pa din ang taon na ito para sa akin.

Nawa'y patuloy pa din na umulan ng biyaya mula sa Maykapal.

Happy Birthday to me! :)

12 comments:

Luis Batchoy said...

haba haba berdei! HEhehehehe...

Anonymous said...

happy birthday!

the geek said...

oi..happy birthday...salamat sa pag follow...

will stalk you, too...

Bloiggster said...

salamat luis and chuck! =)

Bloiggster said...

salamat geek!

let's stalk each other =)

wanderingcommuter said...

hampey hampey bewtdey!!!

Bloiggster said...

sawamat wanderingcommuter

DN said...

Happy Birthday ulit, kuya. Asar talaga ang twitter kagabi. lol

Anonymous said...

yung ginantsilyo kong fuschia pink na gown sau tapos na, gusto ko yun ang isusuot mo sa birthday mo.

Happy birthday.

Islanders said...

happy birthday noy...

Bloiggster said...

salamat sa mga bumati!

salamat deathnote, rain at islanders!

sige rain, abangan ko ang aking gown mamaya!

Luis Batchoy said...

tagged you... enjoy