Oo, 'di ka nagkakamali sa nabasa mo. Adik ako!
Tatlong bagay lang naman ang kinaadikan ko.
Una: Telebisyon
Hinding hindi puwede na ako'y hindi makakanuod ng tv sa loob ng isang araw. Pagkagising na pagkagising sa umaga, imbis na magmumog, mag-unat unat, o kaya'y magpunas ng muta, remote control ng tv ang una kong hinahawakan. Kelangang buksan kaagad ang tv at panuorin ang Umagang Kay Ganda sa ABS-CBN.
Pag-uwi naman galing sa gym o kaya'y trabaho, tv pa din ang una kong inaatupag.
Kahit kumakain ng hapunan o tanghalian, telebisyon pa din ang aking kaharap.
Paboritong palabas:
- Mga palabas sa ABS-CBN at Studio 23 lalo na ang Justice League, at American Idol sa QTV (wala kasi akong cable dito sa probinsya eh)
- Kapag nasa siyudad naman ay mga palabas sa AXN, Star World, Fox Crime, ANC, CNN, 2nd Avenue, at mga pelikula na trip ko sa HBO, Star Movies at Cinemax.
Pangalawa: Internet
Kung dati'y chat ang pinagkakaabalahan ko sa internet, ngayon ay ang pagsusulat ng blog, pagbabasa ng blog ng iba, at paglalaro ng mga games sa Facebook na ang aking pinagkakatuwaan. Minsan ay nanunuod din ako ng sari-saring video sa You Tube.Nagsawa na din ako sa Friendster kaya bihira ko na ito buksan. Napakaboring naman kasi ng website na yun kaya mas madalas na ako ngayon sa Facebook na napakaraming features. Minsan nagmumultiply din ako at nagbabasa ng mga bagay bagay sa mga grupo na sinalihan ko.
Sadyang kay hirap sa tuwing nawawalan ako ng internet connection kaya simula sa isang buwan ay bibili na ako ng Smart Bro para kahit saan ay connected ako!
Pangatlo: GYM
Ito ang pinakamahal ko na bisyo. Nagtitiis ako kahit na sobrang mahal ng buwanang kabayaran sa gym na napili ko tunguhan. Kasi naman, napaka convenient dahil kahit nasan ako sa mundo eh puede gumamit ng facilities! Ayos di ba?
Pero kelangan lang talaga bumalik ang motivation ko para mag-ayos ayos ako sa paggygym. Medyo nawawalan kasi ng buwelo eh. Mas nakakatukso kasi kumain ngayon kaysa magworkout!
Lagot na! Summer pa naman at panahon na naman para magtungo sa mga beach. Kelangang pataasin muli ang market value lalo na't beach na ang patutunguhan.
Sige, magpapramis ako sa sarili ko ngayon na magpapakaseryoso na ako sa paggygym simula sa araw na ito. Tatlong oras kada araw, limang beses sa isang linggo. Yan ang aking magiging routine simula ngayon! Astig di ba? hehehe!
______________________________________________________
Adik ako! Inaamin ko. Pero hindi ko balak na kumawala sa kaadikang ito!
8 comments:
ako adik sa Internet apir :)
cheers! see you in my blog ahahhaa
@nash
hehehe! been an internet addict for a long time. dati chat addict. ngayon, basa basa na lang.
saw your blog pero how do i follow you? wala akong makita na button para ifollow ka?
himala, hindi ka na adik sa sex.
(taas ang kilay ni unconscious)
@rain
been there, done that. sabi ko nga sa isa kong blog entry, wala na akong balak na balikan ang aking nakaraan.
im done with that.
thanks to the demise of g4m and the boring chatrooms in mirc, i have quit the sex scene of the PLU world.
i'd rather drown myself in work, gym, blogging and reading sensible entries here in blogspot. I really find a lot of people interesting in blogosphere.
kaya dito na lang ako. safe pa!
Nag-aaverage ako ng 12 hours sa internet. Kapag TV naman, madalas nakatutok lang ako sa CNN, o kaya Discovery Channel o kaya Nat Geo. Hehehe.
Gym. 3 times a week, at least 1.5 hours kada work out. Sapat na yun para naman mabigyan atensyon ko ang aking ibang ginagawa.
@mugen
whoa! 12 hours sa net? hmmm napaisip tuloy ako kung gaano ako katagal sa net. macompute nga:
8 hours at work + 3 hours at home = 11 hours
tv naman: 1.5 hours in the morning + 4 hrs at night = 5.5 hours
(bukas kasi ang tv kahit nag iinternet ako)
gym: usually 2.5 to 3 hours a day
CNN, Discovery and Nat Geo? Grabe, mas nerd ka pala sa akin Mugen! and people think na nerd ako! hahaha!
Ako din adik sa net and tv.
@knoxxy:
apir! hehehe!
Post a Comment