Monday, March 23, 2009

Bertdey sa Engkantadya

Sa kauna-unahang pagkakataon, magbebertdey ako kasama ng sangkaengkantadyahan!

Isang buwan din pinagplanuhan ang araw na ito. At syempre, ang organizer ng parti ay ang pinakamamahal kong twin na si Rain. Sa group message pa lang sa text ay nag-assign na siya ng mga dapat dalhin ng mga tao. Pero ang pinakabongga sa lahat ay libre na daw ang venue! Aba, ang sosyal ng kapatid ko na ito! Nakakuha ng resort for free!

Syempre, na-excite naman ako! Aba, never ko kayang sine-celebrate ang aking bertdey. Bukod sa magastos, eh di naman ako palagimik. Last year nga eh, sa bahay lang ako nagbertdey kasama ng aking laptop. Pero this year, may parti pa! Bonggacious talaga!

Pero bago dumating ang takdang araw, may mga engkanto na umurong! Ano ba yun?!! Nainis at nagtaray tuloy ang kapatid na Rain sa text! (Mind you, nasindak ang iba ha! Ang galing mo talaga magjoray sis!) Iba-iba ang dahilan ng mga tao kung bakit di daw sila pupunta pero di ko na lang i-eelaborate kung anu-ano ito.

Basta ako, syempre, kasama! Ang tagal ko kaya hinintay ang araw na ito. Kaya nga di pa lumalapag ang eroplano na sinasakyan ko eh kulang na lang, magballet ako sa tuwa dahil nasa Manila na ulit ako!

On the day itself, nalaman ko na 5 na lang pala talaga kami. At first kala ko anim, kasi sabi ni Marhk eh sasama sya. Walangyang yon, nauto ako! Nasa states pa pala ang loka! Pero ang Prinsesang Rain, nagkaron ng female instinct. Feeling nya daw eh may susunod. Aba, tama nga ang loka dahil susunod daw sina Mugen at Centurion!

Well, nagsimula ang hapon na magkakasama kami nina Rain, Lukayo, Tagay at Silentboi. By the way, mga magpapartner yang mga yan. I was the odd one out. Pano, single pa din ang lolo niyo. Well, di naman ako affected pero worried lang ako kasi baka di ko ma-take pag nag PDA na sila sa harapan ko. Baka matukso at sumali ako! Hahaha! Joc-joc bolante!

Anyway, medyo mahaba din ang byahe namin. Ginabi na kami sa daan at medyo nawala pa dahil di matandaan ni Rain kung saan ang resort. Pero eventually, nakita din namin ang lugar dahil sa mga ginawang pagtatanong sa mga tao sa hi-way.

Mukhang napagod ang lahat pagdating sa resort kaya nagpahinga muna kami sa kwarto. Hinintay din namin na dumating ang Dyosa at Amasona bago nagsimulang kumain. Mukhang madaming pagkain, may chicken adobo, hipon at lumpiang shanghai. Feeling namin eh di mauubos yun dahil 7 lang kami.

Nang dumating ang dalawa, nagsimula na ang party ng Engkantadya. Syempre, nagblow muna ako ng keyk na binili nina Rain at Lukayo. Baklang bakla ang keyk dahil sa mga kandila na nilagay nila! May pink, violet, neon yellow, at neon green! (salamat nga pala Mugen sa pagkolekta sa mga kandila para maitabi ko naman at remembrance ng aking first birthday with the engkantos). Syempre, nagwish ako. Kung ano wish ko, sa akin na lang yon.

Matapos magkainan ay nagtagayan na! At since iyon ay tagayan, ang namuno sa inuman ay si Papa Tagay! Walang nakatakas sa kanyang pagtatagay dahil sinisigurado nya na nasusunod ang order of drinking. Nakalusot si Mugen kasi may sakit sya at kinailangan niyang matulog nang maaga.

Medyo nagkaron ng konting tensyon nung tagayan dahil na din sa isang isyu na lumukob sa sangkaengkantadyahan. Kung anuman ang isyu na yun, ayoko ilagay sa entry na ito. Pero feeling ko naman eh nasolb na ito. Di ba Manong Centurion? (Pero kung kelangan niyo ulit ng guidance counselor, bukas pa din ako para pagserbisyuhan kayo. Kaya lang sana naman eh matagalan pa ulit bago bumalik ang role ko na ito ha? Nakakalibog din kasi paminsan-minsan- Libog=Confused)

Pucha, masarap yung toma pero malakas ang tama! Redhorse ba naman kasi eh! Para akong nasapak habang umiinom dahil sa tama! Kaya bago uminom, ngumunguya muna ako ng chichirya. Ewan ko kung effective pero naging ayos naman ako di tulad ng mga previous bouts ko with beer kung saan bagsak agad ako. In fact, nakakatext ko pa nga ang lintek na Marhk na inggit na inggit sa aming gathering that night. (Sa sobrang inggit eh nagphone patch siya at kinausap ang mga engkanto).

Matapos ang ilang oras, bumigay na din ang aking ulirat at nakatulog na! Kung anuman ang nangyari nung ako ay nakatulog, di ko na alam. Basta ang alam ko eh tinamaan din ang Prinsesa Rain.

Kinaumagahan, nagising ako sa pagbubukas ng ilaw sa kwarto. Kinailangan na palang umalis ni Mugen dahil may work siya. At sasamahan na din siya ng Dyosa pabalik ng Kamaynilaan. Oh shet, maiiwan na naman ako with the 2 couples! Pano kung magsex sila sa harap ko? Ano ang gagawin ko? HAHAHA!

Pag-alis ng dalawa, balik tulog ulit ako. Nagising ako ng mga bandang alas-6 at nagpahangin sa labas. Nagtake ako ng picture ng paligid. Di na ako nagtake ng picture ko kasi bagong gising ako. Ayoko mag mukhang ewan sa picture. Matapos magmuni muni sa labas ay pumasok na ulit ako sa room namin at ginawan ng breakfast ang mga anak ko. Syempre, para healthy, tuna spread ang ginawa ko. At di lang basta tuna kundi tuna lite para makatulong sa diet! Hehehe!

Matapos gawin ang spread, nakatulog ako sa upuan habang nakikinig ng kung anu-anong music sa aking cellphone.

Makalipas ang ilang oras ay nagising din ang four girls. Kaya sabi ko sa kanila, mga anak, eat your breakfast na. Nagheat na din ng water si Lukayo para makapagkape ang mga gusto magkape. After taking our breakfast, nagdecide ang Diwata at Dukesa na magswim swim sa pool. Sumunod ako at matapos ang ilang minuto ay nagdive in na din ang Prinsesa at ang Kondesa. Ang limang sirena ay nasa swimming pool na!

Matapos mabasa ang aming mga kaliskis at magpakadyesebel, nagsimula na kaming maghanda upang bumalik sa Kamaynilaan. Nagshower sila, at nagshower ako. After that, umuwi na kami.

Tunay na masaya ang bertdey ko na ito. Hinding hindi ko ito malilimutan. Salamat sa mga engkanto na pumunta. Being with you guys was already a big gift. Thanks for making my birthday very special.

Salamat kay Rain for arranging everything.
Salamat kay Lukayo dahil siya ang nagdrive papunta at pabalik.
Salamat kina Tagay at Silentboi for the toma.
Salamat kay Mugen na kahit nilalagnat ay dumayo pa papunta sa venue ng parti.
Salamat kay Centurion na bagaman may tampo sa ilang engkanto ay nagdesisyon pa ding sumama sa kasiyahan.
Salamat kay Marhk na kahit thru phonepatch ay nakasama namin siya

Sa mga di pumunta, belat ninyo! Tse! Hahaha! joc joc bolante ulit!

POST SCRIPT:

First Monthsary din pala nina Lukayo at Rain kahapon. Kaya nagcelebrate din sila kasama ang Engkantadya sa araw ng kanilang "pag-iisang dibdib."

3 comments:

the geek said...

ang saya nito ah..hehehe
sulit na sulit ang biyaheng sugbu-manila...

Bloiggster said...

yeah, sulit naman ang iniuwi ko sa maynila.

masaya ako with my engkantadya family

Mike said...

hay kainggit. sayang kung nasa kamaynilaan lang talaga ako sasama ako. huhuhu. next time sana makasama ako kung meron ulit.

prinsesa, magplano ka ha? wag mong totohanin ung "i hate you guys" mo na text at ayaw mo ng magplan pa ng gathering. LOL!

anyway, sana matupad mo ang wish mo sis habang nagbblow-j** ng candles. hehehe. ingat. ayo ayo!!!