Monday, February 23, 2009

Toma

Noong Biyernes, tulad ng aking nabanggit sa isang blog, sinundo ako ng aking mga repapips sa airport at tumuloy kami sa Mandaluyong upang uminom.  Matagal-tagal na din akong di umiinom kung kaya't medyo nanibago ako sa ginawa kong pagtoma bagaman kaunti lang naman ang aking ininom.  Hindi naman ako nagkatama nung gabing yaon dahil hindi naman ako uminom ng madami.  Maaga din kami natapos, ala-una y medya pa lang ay nagdesisyon na kaming umuwi.

Noong Sabado, nagkaron ng overnight party ang Engkantadya sa isang resort. Naging masaya ang pagtitipon na ito at umulan ng hard drinks noong gabi:  Vodka at Tequila.  Matagal tagal na din akong di tumitira ng mga nabanggit na inumin.  Medyo na-eksayt ako dahil tequila ang aking bespren noong ako ay nasa kolehiyo at vodka naman noong ako ay nagsisimulang magtrabaho matapos gumradweyt.  Sa sobrang eksayted, pinagsunud-sunod ko ang pag-shot ng mga nasabing inumin habang ang iba sa amin ay lumalangoy sa pool.  Ang kinalabasan ng aking pagkatuwa sa vodka at tequila:  MATINDING PAGKALASHING!  Bagsak ako noong gabing iyon at batay na din sa mga kuwento ay napaglaruan ako ng mga tao.  Narinig ko na pinahiran daw nila ako ng uling sa mukha at hindi ko pa alam kung anong nangyari dahil nasa cellphone nila ang ebidensya.

Kinabukasan, matinding matindi ang aking hangover.  Sa sobrang tindi ng hangover, hindi ako lumabas ng bahay at maghapong humiga at natulog lamang sa aking kamang napakakomportable.  Para hindi ma-bore, nagblog din ako para medyo productive ng kaunti kahit yung iba kong sinulat ay walang kwenta.

Ngayon, tineks ako ng kaibigang Rain sa ganap na alas onse kwarenta'y singko ng umaga.  Gimik daw kami kasama si Lukayo at Centurion. Ang agang gimik pero nagtungo pa din ako sa QC para makasama sila.  Sa Trinoma ang gimik.  Nagkainuman ng kaunti sa Giligan's.  Hindi ako masyado uminom dahil magtutungo pa ako ng gym sa gabi.

Eto na siguro ang pinaka-kakaiba ko na pag-uwi sa Kamaynilaan sa loob ng mahigit dalawang taon ng pagtatrabaho sa Kabisayaan.  Tatlong araw na akong tumotoma.  Tatlong araw ko nang nakakasama ang aking mga repapips mula sa Engkantadya.  Tatlong araw ng kasiyahan, tatlong araw ng tomaan.  'Di ko ito malilimutan.

Pagbalik ko ng Cebu, dadalhin ko ang mga alaaalang ito at syempre, tama na muna ang toma.  Nasobrahan na ako dito sa Engkantadya! Hehehe!

2 comments:

Anonymous said...

habang ikaw ay nag eenjoy sa 333.

kami naman sa 222. hahahaha

ill miss you bloiggster.. SA March 21, pagbalik mo... inuman to the max ulet ang encantadia.

Bloiggster said...

ill miss you guys as well. I'll see you next month!