Simula nang magka-lotto sa Pilipinas noong ako ay nasa kolehiyo, nakagawian ko nang tumaya dito paminsan minsan. Hindi ako adik sa lotto. Siguro, sa loob ng isang buwan, isa o dalawang beses lang ako tumataya. Nasasayangan kasi ako sa pera na inilalaan dito lalo na't matatalo lang naman ako. Imbis na ipang-lotto, ibibili ko na lang ito ng paborito kong Jolly Hotdog sa Jollibee. At isa pa, hindi naman ako swerte sa mga raffle na tulad nito. Sa dinami-dami ng raffle na nasalihan ko, ang pinakamalaking premyo na ata na aking nakuha ay ang sandwich maker na nakuha ko sa Krismas parti. Matapos manalo ng sandwich maker, and sumunod na panalo ko sa isang raffle ay limandaang piso.
Noong isang linggo, nabalitaan ko na malaki na daw ang premyo sa super lotto. Aabot na sa mahigit 100 milyong piso ang jackpot. Sabi ko sa sarili ko, sige tataya ako. Meron naman kasi akong regular na numero na tinatayaan. Saka kwarenta pesos lang naman ang gastos. Magbabakasakali na lang ako. Kaya't noong gabi ng Linggo, matapos kumain, nagmadali akong pumunta sa pinakamalapit na tayaan ng lotto bago pa ako mapagsarhan. Doon ko inilagak ang mga nalalabi ko pang salapi (ang tagal pa kasi ng sweldo, eh malapit na maubos ang budget ko!).
Alas-nuwebe ng gabi ang bolahan. Hindi ko napanuod ang bola sa telebisyon kaya't hinanap ko na lang sa internet ang resulta. Nang makita ko ang mga numero, nanlaki ang mata ko! Bagaman di ko napanalunan ang jackpot na 137 milyon, sa kauna-unahang pagkakataon, may 4 ako na numero na lumabas sa bola ng lotto! Biruin mo, mula 1990's eh tumataya na ako sa lotto at ngayon lang ako nanalo! Kahit minor prize lang ay sobrang excited ako na makuha ang aking premyo. Sa aking pagkakaalam, 500 pesos lang ang premyo 'pag apat na numero. Sabi ko sa sarili ko, puede na yun. At least meron akong pang tanghalian at hapunan. Subalit sa pagkuha ko ng aking premyo sa lotto outlet, isang libo pala ang premyo kasi super lotto nga pala ang tinayaan ko! AYOS!
Matapos kuhanin ang aking premyo, nagtungo ako sa mall, kumain at namili sa grocery. Umuwi ako na may ngiti sa aking mga labi dahil napakinabangan ko na ang pinakamalaking panalo ko sa lotto!
4 comments:
hey congratulations! pa burger ka naman!
thanks! hahaha!
actually, i almost won 40k, sumablay lang yung isang numero ko. if yung kasunod lang na number nya ang tinayaan ko, i would have had more money! hehe
pero masaya na din ako kasi at least nanalo na ako sa lotto after more than a decade of making taya. hehehe
wow kapatid akala ko sa sexlife ka lang panalo, pati rin pala sa LOTTO !!!
pagdating dito sa manila, pacanton ka pa-BJ (buko juice lol)
hahaha!
first time manalo sa lotto kaya ginastos agad ang premyo...namili ako sa grocery.
sige, papacantonin ko kayo at magpapabj pagdating ko dyan! hehehe!
gago ka talaga rain! hahaha!
Post a Comment