Matagal-tagal na din akong hindi nakakanuod ng sine kung kaya't natuwa naman ako na inimbitahan nila ako na sumama sa kanila. Pelikula daw nina John Lloyd at Sarah ang aming papanuorin. Hmmmm... pano yan, eh sa isang linggo ko pa dapat papanuorin yun kasama ng aking mga katrabaho? Di bale, papanuorin ko na lang ulit. Tutal, mukha namang maganda yung pelikula dahil Star Cinema ang gumawa.
Hindi ako nagsisi na pinanuod ko ang pelikula. Sadyang nakakatuwa ang mga pangunahing tauhan na sina Miggy at Laida. Bagaman predictable na ang magiging katapusan ng pelikula, tunay na nakakasabik makita ang mga eksenang magkasama sina Laida at Miggy. Si Miggy ang maginoo at respetadong boss sa pabrika ng kanilang pamilya samantalang si Laida ang bungisngis at malambing na kasintahan ni Miggy na nagtatrabaho sa isang magasin na pagmamamay-ari ng pamilya ng huli.
Tulad ng kahit anong romantic love story, nagkaroon din ng conflict sa kuwento. Dumating ang bespren ni Laida noong hayskul na pinagseloson ni Miggy at syempre, ang naging pinakapagsubok sa kanila ay ang pagiging sobrang abala ni Miggy sa kanyang bagong trabaho na kinapagod ng puso at katawan ng magkasintahan.
Tulad ng ibang mga feel good movies, ang kasintahan na nagkahiwalay ay muling nagkabalikan sa katapusan ng kuwento.
May ilang mga dialogue sa pelikula na sadyang nakakatuwa:
- "Isa ka bang puzzle? Kasi umaga pa lang nabuo mo na ang araw ko."
- "Bibigyan kita ng isang power hug!"
- "Dapat isa lang ang V para next to U."
- "Siguro pagod na yang si Laida kasi buong araw na siyang tumatakbo sa isipan mo."
At syempre, hindi malilimutan ang rain dance na pinauso ni Laida at ginawa din ni Miggy gayundin ang kanilang ring tone na "bebe ko! bebe ko! bebe ko!"
Naging masaya ang panunuod ko ng pelikulang You Changed My Life. Sa aking pananaw ay mas nahigitan pa nito ang kuwento at komedya ng A Very Special Love. Mukhang papayag talaga ako na muling panuorin ito sa isang linggo kasama ang aking mga katrabaho.
5 comments:
tatlong beses kong napanuod sa sinehan ang A Very Special Love and mukhang ganun din sa movie na ito dahil trailer palang aliw na =)
nakakatawa yung movie talaga. ang ganda talaga ng chemistry nina john lloyd at sarah
Gusto ko tuloy panoorin... hehehe!
@lukayo
hahaha! sige panuorin mo, mag movie date kayo ng asawa mo! baka mas lalo kayo ma inlove sa isa't isa after niyo iwatch yung movie! hehe
"SUN DANCE" po hindi rain dance hehehe..
pero astig ng movie! twice ko pinanood nung opening day, first show saka last full show! hehehe...
xlink po..
http://unicohija.blogspot.com
Post a Comment