Saturday, April 11, 2009

Penitensya?

Sa mga nakaraang taon, hindi ko maituturing na banal ang pagdiriwang ko ng Holy Week. Two years ago, nasa Tagaytay ako kasama ng aking mga barkada. Imbis na mag-tika at magmuni-muni ay nag movie marathon, nagtagayan at nagbaraha kami ng Huwebes at Biyernes Santo.

Noong isang taon, bagaman hindi ako nag out of town ay may ginawa naman akong kagaguhan. Kumain ako ng laman kung kailan ito ipinagbabawal. Dahil sa kalibugan, hindi nakapagtiis kahit Biyernes Santo!

Kaya't sa taong ito, napagdesiyunan ko na kahit papano ay magpenitensya. Imbis na latiguhin ang aking sarili ay gumawa ako ng mga bagay na sa tingin ko ay uri na din ng sakripisyo. Maaaring maliit na bagay ang mga ito subalit sa tingin ko naman ay okay na din kasi sabi nga ng mga teacher ko na madre noon, any small thing that you do for God is well appreciated by our Father.

So eto na ang aking pinaggagawa:

  1. Simula alas 10:23 ng gabi noong Martes Santo, nagdesisyon ako na hind magsulat ng blog. Kahit kating-kati na ako na magsulat ng entry noong Miyerkules Santo ay hindi ko ito ginawa. Ayos sanang isulat ang nangyari noong inuman namin nina Tsupaeng at Alitaptap noong gabi na iyon eh pero sige na lang. Saka ko na lang isusulat iyon. Imagine, nakontrol ko ang sarili ko na hindi magsulat sa loob ng 3 araw! Yahoo!
  2. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbisita iglesia ako. Hinding-hindi ko pa nagagawa kahit kailang yun kaya't medyo excited ako. Dala dala ko ang aking camera phone ay nagpicture ako ng mga simbahan na aking binisita noong Huwebes Santo. Bukod sa pagpipicture eh syempre nagdasal din ako. Nakakapagod din pala ang pagbibisita iglesia. Nakakatatlong simbahan pa lang kami ni Tsupaeng eh gutom at uhaw na agad ako. Ang putsang Tsupaeng, bawal daw kumain kaya dapat tubig lang! Anak ng tokwa! Ang hirap naman. Pero tama nga naman kasi penitensya naman yung ginagawa namin. Kaya nagtiis na lang ako na uminom ng orange juice na binili ko sa 7-11 sa Angono. Tinapos namin ang aming penitensya sa Antipolo na punong puno na ng tao noong gabing iyon. Ay oo nga pala, pinayagan ako sa wakas na kumain ni Tsupaeng sa Tropical Hut sa Morong, Rizal. Lumamon talaga ako dahil sa sobrang pagod!
  3. Binawasan ko ang aking kinain noong Biyernes Santo. Kahit anong takaw ko ay hindi ko pinatulan ang niluto ng mommy at tita ko. Half cup of rice at kaunting ulam lang ang aking tinanghalian. Ang hirap naman pag ganun!
  4. Hindi ako nakipag text sa buong araw ng Biyernes Santo. Gabi pa lang ng Huwebes Santo ay tinext ko na ang mga engkanto at mga kaibigan ko na hindi nila ako makokontak sa Biyernes dahil isasakripisyo ko ang pagtetext sa araw na iyon. Nag-abstain ako sa pagtetext! At successful naman ako.
  5. Sumali ako sa mahabang prusisyon sa aming bayan. Matapos ang ilang taon na di pagsali sa prusisyon ay sumali ako sa prusisyon muli. Kakaibang pakiramdam pag napasali ka sa prusisyon dahil parang nakikiisa ka na din sa pakikipaglibing kay Hesus sa araw na iyon.
Sa aking pananaw, kumpara sa mga nakaraang mga taon ay naging makabuluhan ang aking Mahal na Araw ngayong taon na ito.

Nawa'y patuloy tayo na pagpalain ng Maykapal...

1 comment:

Herbs D. said...

whoa. seriously? i think the biggest sacrifice I ever given for this kind of holiday (when i was still a Christian) was to NOT EAT MEAT. well, human-meat that is hahahah. :P