Dahil sa desisyon kong magtrabaho sa isang lugar na malayo sa aking kinalakihan, ang tuwinang pag-uwi ay nagdudulot sa akin ng tunay na kagalakan.
Mahigit dalawang taon na din ang nakakaraan nang magdesisyon akong iwanan ang trapik at polusyon ng Kamaynilaan. Sabi ko sa aking sarili, panahon na upang magkaron ng kakaibang karanasan sa ibang bahagi ng Pilipinas.
Isang malaking desisyon ang aking ginawa sapagkat unang-una sa lahat, malalayo ako sa tinatawag na comfort zone. Sa ikalawang pagkakataon, mamumuhay ako na mag-isa subalit ang kaibahan nito ay hindi ako maaaring sumakay ng bus pauwi sa amin di tulad noong una kong trabaho sa isang probinsiya sa Luzon.
Naging mahirap ang aking naging mga unang buwan sa lugar na ito. Unang una sa lahat, kayang kaya yata ako ibenta dito dahil hindi ko nauunawan ang kanilang wika. Pangalawa, hindi ako sanay sa laid back na buhay. Pangatlo, wala ang aking malalapit na kaibigan dito. At pang-apat, wala akong matatakbuhan kung sakaling magkulang ang aking pera o kaya nama'y magkasakit.
Ang pagbili ng tiket ng eroplano ang siyang madalas na nagdudulot sa akin ng kasiyahan. Sadyang excited ako sa tuwing papalapit na ang araw kung saan ako uuwi. Hindi ako magkamaliw sa paghahanda sa araw ng aking pag-uwi. Biruin mo, makikita ko muli ang aking kwarto na madalas na bakante simula nang ako ay lumisan sa aming bahay. Maaari akong gumising ng tanghali at walang presyur na ako'y kinakailangang magtrabaho. Makakapunta ako sa gym na dati'y regular ko na pinupuntahan. Matitikman ko muli ang luto ng aking nanay. Makakanuod ako ng cable tv. At syempre, muli ko na namang makikita ang aking mga malalapit na kaibigan. Ilang okasyon na ba ang aking hindi nadaluhan dahil sa pagiging malayo sa kanila?
Kaya't sa araw na ito, handang handa na akong sumakay sa eroplano pabalik sa Kamaynilaan!
Kung kaya't sa aking mga repapips, kitakits na lang tayo!
10 comments:
Have a safe trip...
:D
Safe Trip!
there's certainly no place like home. Need I sat more?
salamat, im now home. :)
at least, masasabi mo kahit papano na nakapunta ka na sa ibang bahagi ng Pilipinas. hehehe
wag maging dayuhan sa sariling bayan (look who's talking) :P
pang-inggit ka, di bale makakauwi din ako. nauna ka lang ng ilang araw. hehehe
welcome back to manila! enjoy lang..
safe trip and enjoy!
wb! :D
btw, nakakatawa yung word verification. haha charinge daw.
enjoying my stay here
had a fun drinking session last night with some engkantos.
Post a Comment