Hindi ako basta-basta kumakain lalo na't hate ko yung nakahain. Hindi din ako kumakain sa kung saan-saang lugar dahil maarte nga ako!
Hindi ako kumakain ng okra, gabi, spaghetti na may red sauce, laing, at iba pang mga gulay na di ko type!
Hindi din ako kumakain sa mga karinderya sa Kamaynilaan at sa mga street food stalls na makikita sa tabi tabi lang. Takot ko lang na magka Hepa!
ISAWAN SA UP
Pero mayroong isang lugar na namimiss ko na kainan, ito ay ang isawan sa UP Diliman. Dito lang kasi ako kumakain ng fishballs, isaw, kwek kwek, at kikiam.Simula pa noong ako ay estudyante, dinarayo namin lagi ng aking mga orgmates ang mga isawan at fishballan sa iba't ibang parte ng campus partikular ang nasa Vinzons, Law at Ilang-Ilang. Pero ang pinakapaborito namin ay ang nasa Ilang. (Nilipat na ito sa bakanteng lote na tapat ng Law Center at Arcade ilang taon na din ang nakakalipas. Di ko lang alam kung andun pa din ito dahil mahigit isang taon na ata ako di nakakapunta sa UP para kumain ng isaw)
Sobrang sarap kasi nung isaw sa may Ilang. Sa katunayan, kahit nagtatrabaho na ako, madalas ko pa din itong balikan lalo na't kung nagkikita kami ng aking mga kaibigan. Kapag may inuman naman, ang mga Atenista at UPian kong officemates ay nag-oorder pa ng isaw kina manong para gawing pulutan.
Sadyang miss ko na talaga kumain ng fishballs at isaw sa UP.
Sana, sa pag-uwi ko ng Metro Manila, may sumama sa akin na tumambay sa isawan sa UP para naman matikman ko muli ang masarap na isaw at fishballs na sobrang namimiss ko na!
(Kasalukuyang naglalaway habang sinusulat ang blog na ito)
PAGKAING KALYE SA CEBU
Kung may isang bagay ako na natutunan sa pananatili sa Cebu, ito ay ang pagkain sa mga karinderya.
Nang ako ay dumating sa Queen City of the South, nagulat ako sa dami ng mga karinderya at barbecuehan na makikita dito.
At dahil hindi naman ako marunong magluto, kinailangan ko laging kumain sa labas. Mahirap naman na lagi na lang ako magfastfood dahil hindi yun healthy kaya napilitan ako kumain sa mga karinderya. Natuto ako kumain ng nakakamay. At syempre, natikman ko ang masasarap na pagkain sa Cebu. Masarap pala ang pagkain sa mga karinderya dito at mura pa. Kaya't kung kapos na ako sa budget, ang mga karinderya, tapsilogan at mga barbecuehan ang aking takbuhan.
Kung sa Kamaynilaan ay paborito ko ang isawan sa UP, sa Cebu naman ay paborito ko ang sikat na Larsian na matatagpuan malapit sa Fuente Osmena. Sa tuwing magtutungo ako sa lugar na ito ay siguradong bundat na bundat ako pag-uwi. Dito lang kasi ako lumalamon ng todo todo! Kaya kong kumain ng 10 siomai, 4 na belly (liempo), 3 chorizo, 8 sticks of tinae (isaw), 2 sticks of baticolon, 2 sticks of chicken liver at mula 8-10 na puso (kanin)! Lamon galore talaga! Sa tuwing babalik ako ng Cebu at uuwi naman ng Kamaynilaan, ito ang una at huli kong kinakainan. Ilang kaibigan na din na taga Metro Manila ang nadala ko dito at lahat sila ay nag-aagree na masarap ang pagkain sa Larsian.
Kaya't kung magtutungo kayo ng Cebu, wag kalimutang bisitahin ang Larsian sa Fuente. Mausok pero sulit ang pagkain!
(Kasalukuyang nag-iisip kung kelan ulit magtutungo ng Larsian para lumamon)
24 comments:
naalala ko tuloy yung one-day old chick ba yun? hehe. hindi naman one day old yun eh!!!!!!!! hehehe
so pano ba yan papa bloigg. ano ang ym? :P hehe
Isa ka pala sa mga ka-sparring ko ng fishball sticks habang nakikipag-agawan ng fishballs at kikiam sa may isawan sa College of Law sa UP. Kaya pala nauubusan kami noon ng supply ng fishball kasi dinarayo kami ng ibang colleges. Naalala ko pa 'yung tindera ng fishball sa law, yung manang na puro puti ang buhok. Hehe.
My, I miss the pungko-pungko sa Cebu. I miss the siomai sa tisa sa fuente osmeña. I miss Cebu!
@herbs
na tweet ko na sayo ang ym ko oi!
@jake
di naman ako madalas sa law noon. palipat lipat lang. hmmm nag pang-abot ba tayo sa UP?
saka di naman masarap yung fishballs sa likod ng FC at AS eh. kaya kelangang dumayo sa ibang colleges/dorms para makisawsaw ng fishballs at isaw.
@luis batchoy:
ano yung pungko pungko? di ko ata alam yun.
ay the best siomai talaga yung siomai sa tisa kaya kayang kaya ko kumain ng 10 pieces nun eh!
sarap kumain! nagugutom tuloy ako!
oo, panalo isaw sa UP. the best talaga. di ka na magtataka kung bakit may charge ang suka. haha
10 lang?
Panis ka pala eh... hehehehe
Pungko-pungko yung mga kainan sa gilid ng kalsada na... basta... ipagtanong mo. hehehehe
ok din yung hapar ng kalayaan/tabi ng post office. or yung nasa corner papuntang balay kalinaw!
wow ang tagal ko nang di nakatikim ng isaw!
@cb
ganon?
@luis batchoy
di naman talaga ako ganon kalakas kumain pero pag nasa larsian talaga ako eh napapalamon ako.
ay yun pala ang pungko pungko. sabi nga ng pinsan ko masarap daw doon. sa may jones malapit sa crown regency may ganun. di ko pa natry. ma try nga before ako umalis ng cebu.
@mksurf8
yung sa kalayaan, once ko pa lang ata napuntahan. pero yung sinasabi mo na malapit sa balay kalinaw, yun yung sinasabi ko na sa may ilang ilang na dorm. dun na sila ngayon sa bakanteng lote tapat ng law center at arcade, just across IC.
Hehehehe. Nasa-shock sa kin ang mga first-timers na isinasama ko sa isawan kasi nga sampu-sampu ako kung umorder. Just for me. :D
Sarap kaya n'yan. Pero mas masarap 'yung isaw sa binibilhan ko dito sa may amin. Lalo na 'yung matamis-tamis nilang suka. Yumyum! :P
@kuya jake
si manang baby? e sina ate cons ba natatandaan mo pa? :D
waaa I super miss that! Sama mo ko! Hehehehe
@DN
pag ako nag isaw, sangkatutak talaga naoorder ko. ubos ang mahigit isang daang piso sa akin sa fishballs at isaw pa lang.
magkano na isaw ngayon dyan?
@luis batchoy
lika, punta ka dito sa cebu, sama kita don. hehehe
@Gakusei DeathNote...HARHARHAR!!! My lips are sealed. Hindi nila ako kilala pero kilala ko sila. HARHARHAR!!! (at bakit mo naitanong? walang bulgaran ng sikreto, foul 'yun hehehehehe)
i dont eat isaw
Sorry but I am not a fan ng Larsian... Although I'm from Cebu..
hehehe
But I'm a good cook.. Gusto mo, bloigg, ipag luluto kita? hehehe
@turismoboi
bakit ayaw mo ng isaw?
@clipped wings
ako? pagluluto mo? sige...di ako tatanggi. before ba ako umuwi ng manila? dapat isama mo si eye spy ha? hehe
waaa... super miss ko larsian! Isol! I love! Huwaaa
haha naku takot ako basta kumain sa karinderia lalot di pa trusted na malinis talaga,nagkaroon ako ng typhoid fever when i ate at those areas.
i love kikiam and squids balls too pero yun sa mga booth sa mga mall ako nabili hehe.
isaw naman i love bituka ng manok hehe my cousin have a store dito sa may amin,so yun dun ako nabili
@luis batchoy
tsalap tsalap sa larsian! hehe
@mac callister
ako din lalo na sa metro manila. di ako kumakain sa kung saan saang karinderya dun. dito lang ako sa cebu natuto na mag ganon.
set a date with eyespy when your available...
so what are your favorite?
lemme check my recipe book what suits you...
@clipped wings
talaga? sige, itext ko si eye_spy and lets set a date...hmmm ano nga ba paborito ko?
madali lang:
humba, dinuguan, sinigang na baboy, kare kare, bbq, siomai at boneless bangus!
Post a Comment