Tuesday, June 9, 2009

Better Days

After ko sinulat ang entry na may titulong "If I should die before I wake," tanging pagkagulat lamang ang inaasahan kong reaction mula sa mga makakabasa nito. I was thinking na sasabihin lang nila na napaka-morbid ko just like nung nagsulat ako ng katulad na entry sa Wordpress.

After a few minutes, nakakuha ako ng isang tawag mula sa isang encanto, si Rain. Nanginginig ang boses, ninenerbyos, nagagalit at nagsabi na huwag na huwag ko daw gagawin ang kung anumang binabalak ko.

Akala niya ay may balak ako magpakamatay. Sinabi niya na halos yayain na niya sina Soul Jacker at Centurion na puntahan ako sa aming bahay kahit sobrang layo para lang mapigilan ako.

Syempre, sinabi ko sa kanya na wala akong balak magpakamatay. Isinulat ko lang ang entry na yun as a continuation of a previous entry that I wrote in Wordpress. Wala kasi sa entry na yun ang mga encanto. And just like what I said in that blog, I want all my closest friends to be at the eulogy during my wake. And not only that, I want 8 encantos as pall bearers.

No matter how angry and nervous Rain was, I was very much touched by his gesture. I have never thought that anyone would care so much about me. Maraming salamat, kaibigan. Padadalhan kita ng kapeng barako, next time para di ka masyadong nerbyusin.

Huwag mag-alala, hindi ako magpapakamatay kahit anong bigat pa ng aking problema. Sabi ko nga sa text sa inyo, "suicide is such an unglamorous way to die!" And I don't want to die that way. Saka ayoko maging kaluluwang gala no! So scary naman yun!

Sabi nga ni Smoke_Dancer sa kanyang text sa akin: "To better days!"

Marami pa tayong pagsasamahan mga engkantos. Better days are ahead of us!


3 comments:

bampiraako said...

Cheers to better days!

Luis Batchoy said...

We all are moved in the dark of night, ain't nothing's gonna come till the time is right... here's to better days indeed! Cheerios!

cronwell said...

well, mahal ka talaga ng mga friends mo. they are concerned about you.