Maya-maya lang, pupunta na ako sa airport para hintayin ang aking Cebu Pacific flight papuntang Jakarta. Lilisanin ko na ang mahal kong Pilipinas. Biruin mo, magiging OFW na ako! Madagdag na ako sa milyong-milyong Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.
Buti na lang, malapit lang ang destinasyon ko. Yun nga lang, sabi nila, wala daw pagkain ang Cebu Pacific sa 4-hour flight namin. Pero ayos lang, lalamon na lang ako ng sangkatutak sa airport bukas at saka magbabaon ako ng KFC sa aking hand carry para makamura ako. (mahal kasi ang airport food!)
Ang ganda din ng pag-alis ko, coding ang kotse namin kaya di ako maihahatid sa airport. Kung kelan ba naman puede ang kapatid ko na ihatid ako eh dun pa coding! Ayos talaga! pero okay lang, sanay naman ako na hindi hinahatid sa airport. Kaya magtataxi na lang ako with my big maleta, handcarry na gymbag at ang aking laptop (na sira).
Syet! THIS IS IT! Lalayas na talaga ako ng Pinas! Dati rati, lumalayas ako ng Pinas pero para mamasyal lang sa mga kalapit bansa pero ngayon, magtatrabaho na ako. Kaya medyo matatagalan ako bago makauwi.
Ano kaya ang makikita ko sa Jakarta? Madami nang kwento sa akin ang mga kaibigan na nakapunta na don. Mabaho daw ang hangin! May putok daw sa kili kili ang mga babae! Maanghang ang pagkain! Bawal itupi ang dolyar! Sumakay lang sa kulay blue na taxi! At matuto dapat ng Bahasa!
Hays, kay dami namang dapat alalahanin. Pero siguradong malalaman ko din ito pagdating ko don. Unang goal: hanapin kung nasan ang mga branches ng Fitness First doon at alamin ang pinakamadaling mga daan papunta sa aking titirhan. Mamamasyal muna ako sa Jakarta sa weekend para tuluyang makilala ang siyudad bago sumabak sa trabaho sa Lunes.
Mamimili na din ako ng kelangan ko sa aking titirhan. Sana mura lang ang bilihin sa Jakarta. Sana mas mura kaysa Pilipinas at Bangkok para naman sulit ang pagiging MILYONARYO ko dun! Hahaha!
Oh well, hanggang sa susunod na entry at for sure, nasa Indonesia na ako kapag sinulat ko na iyon. And siguradong first impression sa Jakarta ang aking isusulat.
Sana magkalaptop na ako at digicam na bago pagdating ko ng Jakarta. Fairy godmother, please grant my wishes! Hehehe!
Mga repapips, paalam na muna, kitakits na lang tayo sa Pinas sa Pasko!
Baboo!
4 comments:
ingat ka lagi PGR... see you soon
take care hun..
mamimiss kita
Ingat... Just imagine you are in cebu or mindanao lang para di ka mag emo or ma-homesick. Mind conditioning lang yan kaibigan. Good luck...
Post a Comment