Sunday, November 28, 2010

Pasko Na!

For Christians around the world, today is the official start of Advent. For 4 Sundays, we await the birth of our Saviour, Jesus Christ who was born in a manger.
_______________________________________

Sa ating mga Pinoy, pagtungtong pa lang ng SeptemBER ay siguradong mararamdaman mo na ang Kapaskuhan dahil nagsisimula nang tumugtog ang mga Christmas songs sa radyo at telebisyon. Tapos nagsisimula na ding maglabasan ang mga Christmas decors sa mga malls, offices at syempre sa mga tahanang Pinoy.

Every year, we always wish for peace, health and prosperity for ourselves, for our family and friends and syempre, for our country.

Ngayong darating na Pasko, simple lang naman ang kahilingan ko kay Lord. At yun ay patuloy na maging malusog at masigla ang aking mga magulang, kapatid at mga mahal sa buhay. Ipinagdarasal ko din ang bansa natin na naway makaahon ito mula sa pagkakalugmok. Syempre, tulad ng mga beauty queen sa Ms Universe, World, Earth at International, hangad ko ay WORLD PEACE! Sana ay di magchukchakan ang North at South Korea! Paano na ang mga Koreanovela? Ano na ang mangyayari kay Jun Pyo ko? Baka ipadala siya sa Norte! Lahat pa naman ng mga Koreano eh nagbubuhos ng military service. Mababawasan ang mga cute na chinito sa mundo! Kidding aside, I really wish that it's gonna be a peaceful Christmas for everyone.

But there is one Christmas wish that I am really praying hard for na matupad even before Christmas. At yun ay ang makakuha ng magandang trabaho. Alam naman ng lahat ng nagbabasa ng blog ko na mawawalan na ako ng trabaho kung kaya't matindi ang pagdarasal ko na makuha ako sa trabahong pinag applyan ko months ago. Sakripisyo din ang ginawa ko na yun kasi lumipad lang talaga ako sa Lah country for the interview. And as you all know, airfare is quite expensive tapos SQ pa sinakyan ko! Sadyang mabigat sa bulsa. Kaya ang wish ko kay Bro ay pagbigyan nya sana ako na makuha yung work na yun kasi if I get that work, madami ang makikinabang. Una, ang kompanya na pagtatrabahuhan ko kasi makakakuha sila ng magaling na empleyado (modesty aside) na mas magaling kaysa sa mga puti, pangalawa, ang pamilya ko dahil maaari ko nang matupad ang pangarap ng tatay at nanay ko para sa akin, ikatlo, ang mga kaibigan ko kasi di ko na sila pagkukuriputan. Puede ko na sila ilibre. At ikaapat, ako dahil magiging panibagong challenge ito sa aking karera na pinili. In other words, pag nakuha ko ang work na ito ay bonggang bongga ang magiging life ko at magniningning ako na parang bituin sa langit na gumabay sa tatlong pantas na bumisita kay baby Jesus.

Yan lang naman ang mga wish ko for Christmas. Di ko hangad ang masyadong materyal na bagay dahil mas importante sa akin ang aking kalusugan at kaligayahan at ganun din ng mga mahal ko sa buhay.


Sent from my BlackBerry® smartphone from Sinyal Bagus XL, Nyambung Teruuusss...!

3 comments:

Alter said...

aw. maligayang pasko bloigg. :)

Marhk said...

"ang mga kaibigan ko kasi di ko na sila pagkukuriputan. Puede ko na sila ilibre."

ay agreed ako sa sinabi mong toh teh!! sa wakas umpisahan mo na pag uwi mo ng tuloy tuloy na ang biyaya!! lolzzz

Nimmy said...

pag-pray kita kuya :D