Nung nagsimula ako mag gym a couple of years ago, bumili ako ng isang cd na ang pangalan ay 5-Day Abs. Matindi ang aking pagnanais noon na paliitin ang aking napakalaking tyan. Sa sobrang laki eh nagmumukha na akong butete.
Nang pinanuod ko ang cd ay bumungad sa akin ang fitness instructor na si Tracy James. At kabisado ko na nga ang kanyang intro spiel, "2/3 of men and 1/3 of women, say that their stomach is their worst body part."
Nag agree naman ako sa sinabi nya. Kasi at that time, kadiri talaga itsura ko kaya di ko trip mag hubad ng sando o tshirt pag nasa beach. My tummy was my worst body part!
The concept was, merong ab exercise per day for 5 days. 5 to 8 minutes lang kaya napakadaling sundan. Pero nang sinubukan ko na ay sobrang hirap at sakit pala. Napapasigaw ako sa sakit! Pero nang lumaon ay nasanay na ako. Day 3 ang pinakamahirap at talagang matetest ang stamina at flexibility. Hanggang ngayong, hirap pa din ako sa Day 3.
Anway, ilang taon ko ding kinalimutan ang cd nato dahil nakakapag gym naman ako ng matino sa FF at lumabas na din ang aking pandesal. Pero dahil sa di na ako masyadong fit ngayon at sumusikip na ang aking pantalon, kelangan ko na namang gamitin ang cd. Kelangan ko na namang makita si Tracy James.
Ang promise niya ay may visible result daw in 10 days. I'm on my 4th day now kaya inaabangan ko ang 10th day kung saan maglalabasan daw muli ang abs. Sana pag-uwi ko sa Pinas, meron na akong ilalakong pandesal sa taong pipol! Sila na lang maglagay ng margarine, butter o kaya'y keso! Hihihi
11 comments:
Arbor ko na lang yung cd mo na yun...hehehe medyo nagpapaliit na rin ako ng abs par...ngayon jogging lang workout ko...
ano may pandesal ka na? or magkakapandesal ka?
owwwwwwwwwwwwssssssssss.
post ka ng picture sa 10th day ha! hihi :)
Pabili nga ng $5 worth of pandesal...hihihi
asan na ang pics ng abs? patingin namn ahahhaa
ching!
@mokong: bigyan mo ako ng cd, ipag burn kita!
@sister pilyo: trying to have them again. ang hirap ha! tulad tonight, nag ice cream akech! hehehe
@nimmy: sana nga may maipakita sa 10th day
@soltero: grabe, $5 talaga ha? para sayo, FREEEEE!!!! Gratis!!!!! hihihi!
Papi pwede nating gawin canape yang mag pandesal mo. Lol
na-excite daw moi. toinks.
@MB: wehhh! LOL
@alter: hahaha!
bloiggster!! I would like to apologize sa comment ko sa kabilang blog.
if you want i can send you sa email ang mga secrets of having 6 pack abs and some exercises that works! (this is not a video its in pdf format)guide siya kumbaga
peace tayo gusto ko bumawi ayoko ng away
paburn naman ng copy.hehe
.
.
butete here!
As promised eto peace offering ko
http://hotfile.com/dl/80802139/34d1d16/My_peace_offering.zip.html
hope it helps sa workout mo and achieve the body you want and dont worry wala siyang virus!! im not salbahe
guys!! this is a collection to on how to achieve 6 pack abs and i just want to share it with everyone. Good day
Post a Comment