Ala-1:30 na ng daling-araw. Di pa din ako makatulog. May trabaho ako ng alas-7 at tulad ng dati, pukpukan lagi pag araw ng Martes. I really hate Tuesdays coz it definitely drains the shit out of me!
(Mga naiisip sa ngayon)
Tinitignan ko pa lang ang lahat ng aking mga dapat tapusin bago umalis sa trabaho ay nalulula na ako. Sobrang dami talaga! Alas-kwatro ang uwian namin subalit alas-sais y medya na ako nang makauwi kanina. Sa sobrang pagod ko, di na ako nakapagluto ng hapunan kaya't bumili na lang ako ng take-out sa pinakamalapit na Chinese resto.
Bukod sa mga bagay na dapat tapusin sa trabaho ay kelangan ko ding magbalot ng mga gamit ko na iuuwi sa Pilipinas via balikbayan box. Wala akong malalagay na pasalubong sa kahon na to dahil wala akong time na magpunta sa supermarket para mamili ng pasalubong. Kaya't ilalagay ko na lang lahat ng mga gamit ko at mga damit para kaunti na lang dala kong gamit pag-uwi sa Pinas a few days from now.
My room is almost empty except for the utensils that I use for eating at ilang mga pagkain na kelangan ko na ding ubusin bago pa ako umalis ng syudad na to. Sayang din naman kung di ko kakainin.
Medyo magulo din isip ko ngayon kasi hindi ko alam kung ano ang aking hinaharap matapos ang pag-uwi ko sa Pinas. Uuwi kasi ako na walang nag-aabang na trabaho. Pangalawang beses ko na din ito na uuwi sa Maynila mula sa isang trabaho na hindi ko na ipinagpatuloy dahil na din sa madaming rason.
Hanggang ngayon, umaasa pa din ako na may darating na email sa akin ilang araw mula ngayon ay magbabalita sa akin na natanggap ako sa trabaho na aking inapplyan ilang buwan na din ang nakakaraan. Mahirap mawalan ng trabaho lalo na't panahon ng gastusan sa Pilipinas: magpapasko, magbabagong taon, kainan dito, kainan doon at syempre meron pang mga exchange gifts.
Pag iniisip ko tuloy ang mga darating na linggo ko sa Pinas, di ko alam kung mag eenjoy ba ako sa aking pag-uwi o mamomroblema? Ang hirap pa naman ng buhay sa bansa natin.
Sana, ang wish ko kay Bro, ay mapagbigyan niya naman ang aking kahilingan at mabigyan niya ako ng isang maligayang Pasko at manigong bagong taon. Tutal, ang kasiyahan na idudulot ng regalong ito ay hindi lamang para sa akin kundi para din sa aking pamilya. At pag nakuha ako sa trabaho na ito ay magpapainom talaga ako sa mga kapatid kong engkanto.
*keeping fingers crossed*
Halos 1:45am na dito sa Indonesia, kelangan ko na matulog. Madami pang trabaho na naghihintay sa akin mamaya... Good night, good morning and good afternoon wherever in the world you are right now.
14 comments:
krinocross din ang finger para sa iyo, :)
Bloig, basta trabaho, pag-igihan mo, malay mo bago ka magbakasyon eh, may mas malaking swerte dumating at tiba-tiba ka pagtapak mo ng pinas.
@wandering commuter: thanks dude. appreciate it. :)
@hungry beast: maraming salamat sa iyo bagong kapatid. patuloy pa din akong nagdarasal.
aww Papa Trench, wag masyado mag worry,matatanggap ka dun sa inaplayan mo... papanget ka nyan pag lagi stressed ehehhe... dpat lagi smile :)
natawa ako at iniisip mo pa ung exchange gifts bwahhaha :P
Bakla! Chin up :)
Since makabagbag damdamin ang entry mo tiyang di muna kita buburautin hehehe
Saka teh sa credentials mo nman di ka mahihirapan maghanap ng work nagmamaganda ka lang sa paghahanap lolz.
@Papa Solti: ano bash! mr wholesome kuno! nung nakakuha ako ng email alert sa cellphone ko, kala ko naman kung sino ang mr wholesome na nagcomment! kaw lang pala!
salamat, papa solti. sana nga makuha ako sa trabaho na inapplyan ko. ayokong maging parang basang sisiw pag uwi ko ng pinas. sayang ang beauty ko!
eh kasi naman may exchange gift ang mga engkanto eh! hahaha
@herbs: ayyy ang baklang bata na malandi! namiss kita, infairnezzzz!!! kumusta ka dyan down under? salamat ha? *hugs*
@marhk: hay naku, salamat sayo tita! aba kelangang magmaganda sa paghahanap no! sayang naman ang credentials ko na pinaghirapan ko ng isang milenyo no!
Kakalokah ka Tiyang exchange gift ang problema ampotah as if malaking malaga naman yun bwhahahha
At saka tandaan " Magmaganda lamang nang naayon sa Ganda" susmeh pinuri ka nagmamaganda ka na naman? kalokah!! lolzz
Ipagdadasal natin yang bagong trabaho :)
@tita marhk: TSE ulit! yan ang forever response ko sayo!
@MB: salamat ng marami. tandaan mo ang sabi ko... pag natanggap ako dun, magpapainom ako ng gatas! hehehe!
oo nga. pareho tayong mega apply at kinakabog sa paskong darating. gudlak sa atin. sana maiuwi natin ang korona with sash.
asahan mo na. pag juwi mo ng pinas, para kang karenderyang dapat bukas sa lahat ng gustong kumain. ahaha
goodluck.
hirap pa naman sa ofw yung ganun.
Haruy ko naman s uuwe ng walang aabutan n trabaho. Naku teh, cross all ur fingers mo na!
Post a Comment