Tuesday, December 14, 2010

Wish Ko Lang...

Ate Vicky! Yoohoo! Where are you???

Hinahanap ko si Vicky Morales kasi may wish ako. May Christmas wish ako. Hindi ito para sa akin kundi para sa mga minamahal ko sa buhay.

Ever since I was a kid, di naman ako mahilig talaga mag-wish ng mga materyal na bagay na masyadong mahal o malaki. Usually ang winiwish ko lang ay magkaron ako ng bagong damit at saka maging maayos ang aming pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.  Nang tumanda na ako, mas hinihiling ko kay Lord na maging maayos ang kalusugan ng mga magulang, kapatid at kamag-anak ko. Hinihiling ko din na nawa'y maging maganda ang trabaho ng kapatid ko at magkaron ako ng maayos na trabaho.

Speaking of trabaho, yan siguro ang aking pinaka Christmas wish ngayong taon na ito. Matagal na ako nagdarasal na magkaron ng maayos at magandang trabaho na malaki ang sweldo.

Kung sa akin lang, maayos at magandang trabaho ay okay na basta't may pangkain ako at panggastos sa mga bisyo ko like gym at pamamasyal. Pero kung kinakailangan kong suportahan ang aking pamilya, mas kakailanganin ko ang trabaho na may magandang sweldo.

Kaya't yun lang naman ang simple wish ko kay Lord ngayong Pasko. Pagkalooban nawa niya ako ng isang trabaho na di lamang susuporta sa pangangailangan ko kundi sa aking mga kapamilya. At syempre, para matupad na din ang pangarap ko para sa kanila.

Syempre, aside from a good paying job, wish ko pa din ang good health for myself, my family and friends, prosperity for our country at syempre ang walang kamatayang WORLD PEACE.

Sana ipagkaloob ni Lord kung ano ang nararapat sa akin.

Yun lang ang aking wish....

2 comments:

punked said...

ATE VICKY?! eh mas matanda ka pa ata dun! mahiya ka nga teh. wahahahaahhahhahhaahahha!

Marhk said...

@punked: hanubah seryoso na nga ako sa pagbabasa sumegwey ka ng comment na nakakalokah! lolz

@Bloiggy: UU nga naman teh maka ate vicky ka naman? kakalokah! sana nga i grant yang wish mo, since wla akong wish this christmas yang wish mo na lng na yan ang wish ko ngayong pasko!!

Don't worry..... . 2011 is your lucky year and will bring you happiness and prosperity!!