Mahilig tayong mga Pinoy sa tsismis. Just look at our TV landscape, talkshows dito, talkshows don. Merong The Buzz, Showbiz Central, Paparazzi, Juicy, Entertainment Live, at Startalk. Jusme, di na ba nagsasawa sa tsismis ang mga Pinoy? Sa tingin ko, hindi kasi patuloy na nabubuhay sa ere ang mga palabas na ito.Dahil matagal na din akong di nakakanuod ng mga shows sa Pinas, I tried watching the 3 talk shows ngayong Linggo. I first looked at Paparazzi, then Showbiz Central tapos the Buzz. In fairness, ang mga babae sa mga shows eh kagandahan maliban na lang kay Cristy Fermin. Hahahaha! Nagkakabugan naman sa pagandahan ng mga gowns ang mga hosts ng the Buzz at Paparazzi. Parang may fashion show!
Para maiba, nanuod ako ng Paparazzi. Medyo mas okay kasi presentation nito. Nakakasawa na kasi ang mga voice over ni Boy Abunda na nakakagulat- SUSUNOD at sawa na ako sa Cristine Reyes vs Sarah G issue! Tantanan na! Tapos sa Showbiz Central naman eh nakaka-irita naman ang boses ni John Lapus plus di ko bet si Raymond pa-mhin Gutierrez. At mas gusto ko episode ng Paparazzi today kasi fini-feature nila ang movie na Rosario na sa tingin ko ay ang tatabo ng sangkatutak na awards sa MMFF this year. Sa trailer pa lang, bilib na ako. Kaya sure ako na papanuorin ko ito sa filmfest.Kung may panalo sa tatlong talkshow, I would have to say, it's Paparazzi. Panalo pa sa blind item! Bongga!
Ikaw ano bet mo sa tatlo? Mahilig ka ba sa tsismis? Im sure madaming engkanto ang tsismosa! hahaha!

3 comments:
di mo pa sinama ang Startalk!!!.. hahaha
winner! bet ko ang rosario!
mas fun ang paparazzi. kakairita ung showbiz central at the buzz. hindi ko bet sila KC(ang chaka mag-comment), Charlene(boring), Raymond G(pa-sweet), John L(chaka). hahaha
ang tagal ko nang di nakakapanuod ng mga ganyan. mas masarap matulog sa hapon.
pero pag nakakanuod ako ng buzz, yung gusto ko lang dun yung kay toni gonzaga. kakatawa siya.
Post a Comment