Talagang kakaiba ang Krismas sa Pinas. At ito nga ay nasummarize ni Yeng Constantino sa kanyang song:
Nadarama ko na ang lamig ng hangin
Naririnig ko pa ang maliliit na tinig
May dalang tansang pinagsama-sama’t
Ginawang tambourine
Ang mga parol ng bawat tahana’y
Nagniningning
Ibang mukha ng saya
Himig ng Pasko’y nadarama ko na
May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas
Ang kaligayahan nati’y walang kupas
Di alintana kung walang pera
Basta’t tayo’y magkakasama
Ibang-ibang talaga ang pasko sa Pinas
Ang pasko sa Pinas
Naririnig ko pa ang maliliit na tinig
May dalang tansang pinagsama-sama’t
Ginawang tambourine
Ang mga parol ng bawat tahana’y
Nagniningning
Ibang mukha ng saya
Himig ng Pasko’y nadarama ko na
May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas
Ang kaligayahan nati’y walang kupas
Di alintana kung walang pera
Basta’t tayo’y magkakasama
Ibang-ibang talaga ang pasko sa Pinas
Ang pasko sa Pinas
At dahil nasa Pinas muli ako, feel na feel ko ang Krismas.
Una, naririnig ko na gabi gabi ang mga makukulit na bata na kumakanta sa harap ng bahay namin para mangaroling. Keber kahit mali mali ang kanilang lyrics basta kumita sila ng konting barya para makabili ng pamasko. Wa ko care kung bumalik sila gabi gabi kasi, minsan lang naman dumating ang Pasko sa loob ng isang taon kaya minsan lang sila makakapamasko sa amin. Pero namiss ko ang pagbibigay ng kendi. Nakalimutan ko na kasi bumili ng kendi sa grocery kaya barya na lang ang bigay ko sa kanila.
Pangalawa, malamig ang simoy ng hangin lalo na sa daling araw. Kaya nga di na ako gumagamit ng fan pagsapit ng daling araw. ang lamig na kasi.
Pangatlo, kumukutikutitap na naman ang mga krismas lights at parol sa ibat ibang bahay at building. Bonggang bongga! Colorful, parang rainbow!
Pang-apat, naririning mo na everywhere ang Krismas songs, sa tv, sa radyo, sa mall, at sa kung saan, saan. Hay, minsan gusto ko tuloy sumabay sa mga kanta.Kaya lang baka mabisto ang pagiging soprano ko!
Panglima, Simbang Gabi! Gosh, 6 days na since nagsimula ang misa de gallo. And 3 days to go eh makukumpleto ko na naman ito. Wish me luck! At syempre, masarap ang bibingka at puto bumbong after.
Well, syempre, isa sa mga negative na bagay tuwing Pasko ay ang sobrang nagtataasang presyo ng mga bilihin. Jusme, halos himatayin ako sa presyo ng mga bilihin sa grocery kanina. Ang ham, jusko, so mahal! Gravacious!!!!
At syempre, ang pinaka hate ko pag krismasa season, ang heavy traffic anywhere. My gosh, bumper to bumper everywhere!
Oh well, Pasko na nga talaga sa Pinas. Whether may traffic, mahal ang bilihin, wapakels akech! Kasi, Ibang iba talaga ang Pasko dito sa atin sa Pinas. Walang kapantay! ang mahalaga, magkakasama ang pamilya at masaya lahat.
Meri Krismas mga beki! :)

3 comments:
Meri Xmas din Papa Trench..pero dio ako Beki!! choz!!
bwhahahaha :P
BADING!!!
nasan na yung chocolate ko?
gusto ko yang "Pasko sa Pinas" na kanta.
never pako nakarinig ng "karoling" this season. weird.
Post a Comment