Sunday, May 17, 2009

Mga Batang Batibot

Naalala mo pa sina Pong Pagong, Kiko Matsing, Manang Bola, Ningning, Gingging, Kuya Bodjie at Ate Siena?

Sila ang mga karakter na nakasama ko sa paglaki. Sila ang mga tauhan sa napakasikat na palabas pambata na Batibot.

Wala nang palabas na pumantay sa Batibot simula nang ito'y magsimula at nagwakas. Sadyang kay lungkot lang nang binawi ng Children's Television Workshop sa Estados Unidos ang karakter na sina Pong Pagong at Kiko Matsing.

Bagaman pinalitan ang dalawa ng ibang puppet ay hindi ito naging sapat upang punuan ang kawalan na naramdaman ng mga batang Batibot na tulad ko. Hanggang sa naglaho na lamang sa ere ang pinakamagaling na palabas pambata na nalikha sa Pilipinas.

Minsan, ang sarap tanawin ang nakaraan. Ang sarap muling maging bata. Ang sarap muling maging inosente...

Sabay-sabay nating awitin ang awiting ating kinalakhan:

Pagmulat ng mata,
Langit nakatawa
Sa batibot,
Sa batibot
Tayo nang magpunta
Tuklasin sa batibot
Ang tuwa, ang saya

Doon sa batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa batibot
Maliksi, masigla. (2x)

Dali, sundan natin
Ang ngiti ng araw
Doon sa batibot (2x)

Tayo nang magpunta
Tuklasin sa batibot
Ang tuwa, ang saya

Doon sa batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa batibot
Maliksi, masigla. (2x)



3 comments:

MkSurf8 said...

pagkatapos ng torohan, batibot naman!

Mac Callister said...

hahaha natawa ako kay mksurf8 oo nga noh torohan tapos batibot!

anyway,yun ba dahilan kaya nawala ang batibot sa ere?ahh,kaya pala haha now ko lang nalaman kala ko nalaos nalang siya kaya inalis.

naku may iba ako naalala kapag kinakanta yang batibot haha hindi wholesome!

Bloiggster said...

@mksurf8

ganon talaga. dapat wholesome naman

@mac callister

madaming dahilan kung bakit nawala ang batibot. nabanggit din ata dun sa 2nd video na nakapost dito