Lumabas na pala ang resulta ng UPCAT. Taun-taon, libu-libong mga 4th year high school students ang kumukuha nito sa pangarap na makapag-aral sa premyadong state university ng ating bansa. Ang sabi kasi nila, 'pag sa UP ka daw nag-aaral eh matalino ka. Biruin mo, sa dinami dami ng kumuha nito, isa ka sa mga nakapasa. Astig di ba?
Ayon sa GMANew.TV, 67,000 na high school students ang kumuha ng UPCAT noong isang taon at halos 13,000 lamang ang makakapasok sa labindalawang campuses nito. Siguradong ang pangunahing choice ng mga estudyante ay ang UP-Diliman, UP-Manila at UP-Los Banos.
Ang resulta ay maaring makita sa following mirror websites: STICKBREAD SOLUTIONS, MVS, and PREGINET.
___________________________________________________________________
Every time na lumalabas ang resulta ng UPCAT, lagi kong naaalala ang aking sitwasyon noong ako ay nasa hayskul pa. Di ko lubos maisip na ang lakas pala ng loob ko noon. Parang UP or nothing ang aking pilosopiya.
August noon ang UPCAT at naaalala ko pa ang lugar kung saan ako kumuha nito, sa Room 118 ng NIGS sa UP Diliman. Magkatabi pa nga kami ng kaibigan ko eh. Medyo may sakit ako non at sinisipon sipon. Feeling ko ang dali ng test kasi multiple choice (pero ganon naman lagi ang tingin ng mga estudyante, komo multiple choice, madali kasi andun na ang sagot). Pero syempre may mga tanong din ako na di nasagot kaya i left them blank. Nakakastress pala. First time ko kasi mag take ng college entrance test non.
After ng exam, nagtuloy pa kami ng kaibigan ko sa Cubao at dumaan sa McDonald's. Parang first time ata namin yun magbyahe ng ganun. Di kasi kami sanay mag commute sa Metro Manila. Nagkukwentuhan pa kami ng mga sagot namin. Hanggang sa mapunta ang usapan na machine daw ang magchecheck ng papel namin tapos right minus wrong. Pag may blank ka, di na daw checheckan ng machine ito. Syempre napraning ako dahil madami akong blank. Kaya todo dasal ako halos araw-araw na sana makapasa ako. Nagwish ako na sana di naman machine ang magchecheck kasi pangarap ko talaga mag UP kahit nung bata pa ako.
Heto na, malapit na graduation namin. Syempre bongga ang Bloigg. Nasa honor roll. Nasa top 10 ang aking kagandahan. Pero wala pa ding college o university na papasukan. Inggit much ako nun sa mga classmates ko kasi yung iba tinanggap na ng UE, CEU, UST, Ateneo, FEU, DLSU, Mapua at kung anu-ano pang unibersidad sa Kamaynilaan. Tinutukso din nila ako kasi aanuhin ko daw ang aking mga medalya kung wala naman akong kolehiyo na papasukan. Jusko, hurt ako nun ha! Kulang na lang mag cry ako. Kaya before graduation, napilitan ako na kumuha ng entrance test sa isang Catholic College for girls! (Echos!). Actually Catholic college sya na dominated ng girls pero may boys din. Sabi ng nanay ko, dun na lang daw ako kung di ako pumasa sa UP. Aba, winnur ang entrance exam! Super easy kaya confident ako na papasa. And as expected pumasa nga akech. Aba, masaya na ang lola niyo kasi come graduation time, masasabi ko na, na meron akong kolehiyo kahit di sikat. Pero in my heart, umaasa pa din ako na papasa ako sa UP. Leche kasing UPCAT, Marso at mag-aAbril na wala pa din ang resulta. Nakakastress ha! (Buti na lang ngayon, January pa lang, out na ang result)
April 15, after 7 months ng paghihintay, nilabas din ng UP Registrar's Office ang resulta ng UPCAT. Syempre di pa uso ang online result non kaya by word of mouth na lang ang balita. In fact, two days after nilabas ang resulta, dun ko pa lang nalaman kung I'm in or out. Nagbabakasyon kasi ang beauty ko nun sa Cavite. At pagdating ko sa amin, nakita ako ng aking klasmeyt. Tinawag nya ako, "Hoy bloigg, labas na resulta ng UPCAT. Pasado ako!" Aba, syempre, bumilis ang tibok ng puso ko at may halong inggit kasi pasado sya. Tapos tinanong ko sya, "Eh ako, pasado ba?" At heto ang kanyang sagot na nagpakinang at nagpakulay ng aking daigdig sa oras na yon: "Oo, nakita ko pangalan mo dun, yung isa waitlisted ka sa course pero yung isa pasok ka na."
Sa pagkakarinig ng magandang balita ay napangiti ako at sabay takbo pauwi sa amin. Ibinalita ko sa lahat ng aking kamag-anak na PUMASA AKO SA UP! Kulang na lang isigaw ko sa kalye namin na hoy mga neighbors, sa UP akech magiistudy! Hay ang sarap ng feeling, para akong nanalo bilang Ms. Universe noon! (Echos) 'Yun ata ang isa sa mga highlights ng aking buhay.
Kaya sa mga pumasok ang pangalan sa listahan ng UPCAT Passers, Congratulations at nawa'y ipagpatuloy ang kagalingan ng mga Iskolar ng Bayan.
______________________________________________________
Kapag may tinanong ka na bata na di nakapasok sa UP, ang unang sasabihin nila ay, "hinde eh, bagsak ako." Pero ang katotohanan, wala namang bumabagsak sa UPCAT eh. Ang nangyayari lang talaga eh kumpetensya ng matindi: una, para sa kurso at ikalawa ay sa campus. Ibabatay ang resulta ng UPCAT sa tinatawag na UPG o University Predicted Grade kung saan pagsasamahin ang isinumiteng high school grades at resulta ng entrance exam. At mula doon, ay pipiliin na nila ang mga top scorers kumbaga at ilalagay na sa kanilang mga course at campus of choice. Kung may mga taong mas matataas ang UPG sayo sa campus of choice mo, sorry ka na lang. Di ka na pasok. Ganun lang. Pero kung pursegido ka talaga na mag-aral sa UP, hintayin mo ang iyong resulta at maghanap ka ng campus na puedeng tumanggap sa UPG mo. Usually ang mga campus na hindi ganoon kataas ang hinihiling na UPG ay yung mga malalayo at maliliit ang populasyon tulad ng UP Tacloban, Baguio, Cebu at Mindanao.
Ewan ko kung merong mga nagbabasa na high schooler ng blog na ito. Pero kung may pamangkin, kapatid, pinsan o kakilala ka na di lumabas ang pangalan sa resulta ng UPCAT pero dream talaga nya na mag-UP, sabihin mo na hintayin na lang nya ang sulat galing UP Registrar at magsikap na tumawag sa mga ibang campuses dahil baka may mga pumasa doon na di magtuloy at may opening pa sila.

4 comments:
ay mahirap ngang makapasok sa UP. kung natuloy ka sa catholic college for gehls, verde ba sana ang kulay ng palda mo dun? juk!
Naalala ko tuloy ang panahon na nag-take ako ng exam na ito. Sa kasamaang palad, di ako nakapasa at tanda ko pa rin ang grade na nakuha ko dun.
Pero buti na lang, pumasa naman ako sa PUPCET. UPCAT lang at PUPCET ang kinuha kong entrace exam eh.
hay naku, aminin ko, bagsak ako jan, pano ba nman electrical eng ang kinuha kong kurso eh di nman ako magaling sa math ewan ko ba bwahhahaha... nilait lait tuloy ako ng mga kapwa ko ding honor students na mas mahusay naman ako tlaga kesa sa knila choz! pano ba naman e AB English yta or Gen STudies lang kinuha nila kainis! bwahahhaha anyways, PASADO nman ako sa Assumption, Holy SPirit at Miriam kaya dun ako nag enrol sa isa dun bwahahahhahahah :P
naalala ko tuloy ang naging UPCAT experience ko din. binigyan ako ng magulang ko ng pang entrance exam sa UP, ADMU, DLSU, SILLIMAN, at kung mga anu-anu pa.
pero binulsa ko yun lahat, maliban sa UP, kasi alam kong yun talaga ang paaralan para sa akin.
buti nalang naawa din si Lord at pinagbigyan naman ako sa aking UP dream. grabey! nakakamiss ang UPCAT moment, at lalung lalo na ang mga peyups episodes. UP fight!
Post a Comment