Friday, January 21, 2011

Palihug sa Plite

Isa sa mga kinabibwisitan ko sa tuwing sasakay ako ng jeep ay yung mga tao na hindi man lang iabot ang bayad ng kapwa nila pasahero either sa driver or konduktor. Dalawang araw ko na yan naoobserbahan dahil sa jeep ako ngayon sumasakay pagpasok at paguwi mula sa trabaho.

Ang sa akin lang, bakit ba hindi nila magawang tulungan ang kapwa pasahero nila at abutin ang bayad at huwag namang hayaang mag stretch ang ibang mga pasahero o kaya ang konduktor para lang abutin ang bayad? Ano sila si Lastikman?

Akala ko, tayong mga Pinoy pa naman ang matulungin pero sa aking mga naranasan sa nakalipas na dalawang araw, sadyang may mga maaarte lang na mga pasahero. Mga feelingero at feelingera! Sana karmahin sila!

Nung isang gabi nga, gustong gusto ko nang sabihan ang tatlong babae na katabi ko, "Mga miss, hindi naman nakakamatay ang paghawak sa pera ng ibang tao. At saka oo nga pala, nasa jeep kayo, wala kayo sa business class seat!"  Pero syempre di ko na sila pinatulan pero nagawa ko na yan dati, a few years ago. Habang pababa ng jeep, sinabihan ko ang mga pasahero na wala sila sa first class na sasakyan at marapat lang na mag abot sila ng bayad ng kapwa nila pasahero. Nakakabwisit lang kasi na nasa tapat na nila ang pera pero talagang dedma sila at hahayaan nilang maging parang si lastikman ang katabi nila o kaya ay ang pag-aabutan nila ng bayad!

Hindi ko talaga yan maintindihan. Anong kaartehan meron sila? Di naman sila belong sa A or B class ng lipunan! Imbyerna much ako talaga!

Sa Cebu naman ang eksena sa loob ng jeep na ayaw ko ay kapag dalawa na lang kayo na pasahero at pareho kayong malapit sa pinto. Itong isang pasahero ay biglang papara at sasabihin sayo na "palihug."  Powtah! dyan umiinit ang ulo ko dahil alam nya namang malayo din ako sa driver pero ipaaabot talaga nya sa akin ang bayad sa driver. Gawin ba akong utusan? Ako ba si Plastikman? Ilang beses nang nangyari sa akin yan sa Cebu. Ang sasarap nila murahin talaga!

Yun lang, gusto ko lang iblog yan para mawala ang bwisit ko sa mga feeling nasa first class na pasahero ng jeep.

At eto lang masasabi ko sa kanila: "MGA LECHE KAYO, wala kayong K magfeeling sa jeep!"

12 comments:

fox said...

ang puso mo!!!. ke aga aga eh.. highblood ka... hehehe

RainDarwin said...

purita. di man lang nagta-taxi or nag-i-fx!

Unknown said...

i've experienced them all here in cebu. ginawa ko, pag pareho kaming malapit sa labasan at biglang pumara at ibigay saken ang bayad, di ko tinanggap. sabihin ko sa kanya sya na magbigay.

dapat lang fair tayo kasi nasa jeep at di business class yung sinakyan.

c - e - i - b - o - h said...

ahahaha..
naku,, lagi ko yan nararanasan sa jeep.. ung tipong, deadma sila sa iaabot mo, na parang hindi ka nila nakikita... haaay,, ang mga tao nga naman... tsk tsk..

uno said...

hahaha i have same experienced hahaha naaalala ko tuloy ang kalokohan ko nung college days ko

anyway saka ko nalang ipopost ang katulad nito hahaha

calm down po

claudiopoi said...

ang tama talaga nito. kung hindi lang ako pleasant eh ginawa ko na din yan. kaso lang ayoko masira ang araw ko ng dahil sa mga lower life forms na yan. bwahahaha. ako na ang elite! nakakapikon kasi! lalo na pag panget naman! grrrrr.

dark_knight said...

Naunahan m ako sa pagpost nito. Wahaha. Magblog dn sana ako bout this. Haha revise q n lang akin. Haha

Bloiggster said...

ay naku manong fox, kagabi ko pa yan sinulat habang mainit ulo ko! hahaha!

hoy baklang negra, eh ano naman kung purita akech? maganda naman! hahaha!

ay naku edik, ganahan ko mag maldito talaga! pasalamat sila nice kaayo ako that time!

true, ceiboh, uno and claudiopoi. sarap nila kuritin sa singit! tapos hubaran ng damit at paluhurin sa asin habang nakadipa at may mga libro sa palad nila at nakabilad sa ilalim ng init ng araw!

Bloiggster said...

well, well, well dingding, pasensya ka! nauna magsulat ang beauty ko sayo! belat mo! hehehe

Guyrony said...

Agree!

The least they could do is hand the payment to the driver and you, on the other hand would thank them. But no, they refuse to do so.

Pisses me off every time but thankfully haven't said anything yet.

Yet.

Ran said...

cool lang hehe

Bloiggster said...

magtatag na tayo ng organisasyon laban sa mga nagdededma mag abot ng bayad sa jeep!

sugod mga kapatid!

ay oo nga pala, dahil imbyerna ako sa kanila, nag fx na ako today. o ayan, di na ako masyado purita, sistur rain! hihihi