18.5 celsius ang temperatura sa Metro Manila samantalang 9.5 celsius
naman sa Baguio. Kitang kita sa video ng TV Patrol kung paano
binalutan ng malamig na hamog ang lungsod ng Baguio.
Sa katunayan, marami na daw sa mga pananim sa Benguet ang nagyeyelo
dahil sa lamig ng panahon.(Source: Aksyon TV5)
Nagpaalala na din ang DOH na mag-ingat ang karamihan dahil sa maaaring
idulot na sakit ng malamig na panahon tulad ng trangkaso. Sabi sa TV
Patrol, madami na daw ang nagtutungo sa mga ospital at doktor upang
magpakonsulta dahil na din sa ubo at lagnat na dulot ng malamig na
panahon.
______________________
Habang naririnig ko ang balitang ito ay pumasok sa aking isipan ang
kalagayan ng mga kababayan nating nakatira sa lansangan. Paano na kaya
sila pag ganito ang panahon? Ano na ang kanilang pananggalang sa
malamig na hangin lalo na sa gabi at daling-araw?
May gagawin kaya ang gobyerno upang matulungan sila lalo na ang mga
bata na sa gilid lang ng kalye natutulog na ang tanging panakip sa
lamig ay mga napag gamitang karton?
Nawa'y may tumulong sa kanila sa ganitong sitwasyon sapagkat sila ang
pinaka-kawawa sa ganitong panahon dahil wala naman silang pampadoktor
kung sakaling magkasakit sila.
God bless them
3 comments:
'day knowsline mo na bakit maraming najojontis ng first quarter at nagkakaroon tayo ng population explosion during the last quarter ng taon.
haaay...wala na tayong aasahan pa sa gobyerno natin ... corrupt eh
We can't help them all at the same time but we can one at a time. Sana may gawin ang pamunuan ni Noynoy dito. I wont be surprised if they don't have any plans about this but I do hope they come up with one. Nice thoughts you have here, sir! :}
Post a Comment