Sunday, August 21, 2011

Dilemma

Hi Everyone! I have not written anything for the past 2 months since I went on a holiday with some of the Engkantos.

Pero sa araw na ito, naisipan kong magsulat sapagkat sadyang nababagabag ang aking isip at damdamin.

ANG KUWENTO:

Mahigit isang linggo na din ang nakakaraan nang makilala ko sa isang website ang isang batang Chinese-Indonesian. 21 years old pa lang siya at kasalukuyang nasa ikatlong taon nya sa unibersidad. Malayo layo din ang kanyang tirahan. Dun siya nakatira malapit sa dati kong tinirhan na lugar sa Jakarta.

Naging magiliw ang aming komunikasyon sa text. Walang usapan tungkol sa seks. Sa katunayan, naglolokohan pa kami na ako ang kanyang uncle at sya si nephew. At sya din ang aking guardian angel. Mabait sya na bata at madalas ako kumustahin sa trabaho at sa tuwing nasa gym ako.

Kahapon, sabado, nagkita kami upang manuod ng sine. Hindi nya pa napanuod ang part one nung pelikula subalit narinig nya sa mga kaibigan na maganda ito kaya't nung niyaya ko sya ay di na sya nag atubili na umo-o.

Matapos ang pelikula ay nagtungo kami sa aking bahay upang maghapunan ng adobo. Pagkatapos kumain ay nagkuwentuhan. Umupo sa sofa at humilig sya sa akin habang kami ay nagkukwentuhan. Sadyang mabilis ang tibok ng puso nya. Inamin naman nya na ninenerbyos sya. Sabi ko naman, wag sya nerbyosin kasi di naman ako nangangagat. Naging masaya ang aming kwentuhan dahil ito ay naging getting to know you na session.

Para mabawasan ang nerbyos nya, niyakap ko sya at hinalikan. Hanggang sa magtungo kami sa kwarto ko at doon ay naging intimate ang aming pagkukwentuhan. Walang seks na nangyari. Tanging yakap at halik lamang. Subalit nang tinanong ko sya kung gusto nya ako ay sumagot sya ng OO. Tinanong nya ako at ang sinagot ko ay OO din.

Alam ko na mabilis pero sadyang nahulog ang loob namin sa isat isa at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa din ang pagtetext namin ng mga mensahe ng pag ibig sa isat isa. Oo, aaminin ko, mahal ko na ata sya. Hindi seks ang naging basehan ng aming pagkakapalagayang loob kundi dahil gusto namin ang personalidad ng isa't isa.

ANG DILEMMA

May iba akong kasintahan. Sa katunayan, kakaselebra lang naming ng ikalawang taon nung isang buwan. Oo, mahal ko din sya subalit sa kasalukuyan, parang mahal ko na lamang sya bilang isang kapatid at matalik na kaibigan. Alam ko na mahal na mahal nya ako. Alam ko na madami na kaming pinagdaanan at nandoon sya lagi upang suportahan ako. Subalit ayoko sya saktan. Ayoko sabihin sa kanya na may mahal na akong iba. Ano ang gagawin ko?

Sadyang mixed ang aking emosyon ngayon dahil mahal ko ang aking kasintahan subalit mahal ko din ang aking bagong iniirog.

Sana, dalawa na lang ang puso ko....

8 comments:

imsonotconio said...

tsk tsk wag gumawa ng something na ayaw mong gawin sayo

un lang

good luck

zeke said...

Shet. di ko man aminin pero ganito ata ang nangyari sa akin.. Wala naman akong maipapayo pero ang ginawa ko ay naghiwalay kami ni present pero hindi naman kami nung isa. I'm still trying to explore a world with him, ayokong mabigla ulit..

Hay, ang sakit sa ulo.

Bloiggster said...

salamat sa payo

@greenbreaker: magulo ngayon isip ko. di ko alam gagawin ko. pero masaya ako sa isa pero mas masaya ako ngayon sa pangalawa. HAYST!!! :(

Mugen said...

Dasal ang maiaalay ko sa iyo bloigsy.

Pero bago muna yan, pakurot sa nipples. Lol.

RainDarwin said...

ROLL EYES.

Hindi ako naniniwalang walang nangyari sa inyo! (si bloigg ay si bloigg ! isang higad hahaha)

nohh baah zizzzz! libog lang yan. Mag-sex kayo nang mag-sex at kapag nagsawa kayo babalik ka din sa partner mong more than 2 years !

Anonymous said...

dilemma nga yan sir. you can't have both, that's for sure. I'm glad that I'm not in your situation. reflect reflect. :)

Bloiggster said...

@mugen: salamat at tse sa pagkurot sa nipples

@rain: sounds family ba? been there, done that? :p

@dsm: thanks... nag iisip isip talaga ako.

Marhk said...

gagah libog lng yan!