Saturday, October 24, 2009

Tiga Bulan: Wo Ai Ni


Parang kailan lang, single ako. 

Anu-ano na bang eksperimento ang ginawa ko nung single ako?

1. Nakipag date ako kung kani-kanino

2. Nagpapapunta ako sa inuupahan kong kwarto ng mga taong nahuhumaling sa larawan ko sa G4M at doon at titirahin ko sila o kaya nama'y magpapablowjob ako sa kanila.

3. May mga flings ako at mga mapagkunwaring relasyon na tumagal ng isa o dalawang araw o kaya nama'y isang linggo.

4.  Naging fubu ko ang isang ex. Feeling ko nga kung tumagal tagal pa yung ginawa namin na yun eh baka magkabalikan pa kami.

5.  Nag-attempt magpaka celibate ng 40 days pero nabigo pero nung walang challenge na ginawa eh halos 50 days pa naging celebate

5.  Nag-ekspiremento ng ibang lahi nang mapadpad sa bansang ito.

PERO sa lahat nang ito, parang may kulang. Wala ang kaligayahan na genuine. Feeling ko nga ngayon eh parang ginamit ko lang ang mga tao na yun para pagtakpan ang kakulangan ko sa buhay, ang kasiyahang tunay.

Inaamin ko naman na wala akong umabot na PLU relationship na tumagal nang isang taon. Pinakamatagal na ang 8 buwan pero puno yun ng lokohan at kamunduhan.

Ang tagal ko ninais na makahanap ng isang tao na magmamahal sa akin kung sino ako. Isang tao na hindi lilingon sa aking nakaraan at ako'y huhusgahan. Isang tao na gagawing batayan ng relationship ang companionship at love. Isang tao na isasantabi ang sex at ituturing lamang na auxiliary sa aming pagsasama.

Nang makilala ko ang aking BABY noong ika-2o ng Hulyo, 2009, parang may nagsabi sa akin na siya na ang hinahanap mo. Pero siya nga ba? Kasi naman, wala pang isang araw kami magkakilala tapos susunggaban ko agad sya at tatanungin kung puede ba siyang maging syota?

Pero sa laking gulat ko ay pumayag siya. Isinugal ang sarili sa isang tao na di niya nakikilala nang lubusan.

Sa ngayon, matapos ang tatlong, buwan, patuloy pa din kaming nagmamahalan. Maaaring nagkakaroon ng tampuhan paminsan-minsan subalit nagagawa namang ayusin ang gusot. Pag-uusap lang ng matino ang kailangan at siyempre isang pag-iisip na bukas.

Tunay kong masasabi na sobrang swerte ko sa aking baby ngayon. Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit natitiis ko ang mamuhay sa bansa na ito. Siya ang aking buhay at siya ang kaisa-isang tintibok ng aking puso.

Maligayang ikatlong buwan ng pagsasama aking mahal!

Wo ai ni!

Saya cinta kamu 

Mahal kita

I'm truly IN LOVE WITH YOU

_______________________________


9 comments:

Mugen said...

Happy Monthsary sa inyong dalawa!!!

Marhk said...

congrats and goodluck! hehehe

Anonymous said...

congrats! yihee.

Bloiggster said...

thanks you mga kapatid!

citybuoy said...

aww.. that's so sweet. happy monthsary sa inyo!

Dats said...

Congrats! and more years to come. :)
Wassalam.

Metamorphosis said...

congrats! sana yung akin rin dumating na. hehe

Anonymous said...

wow congrats. Happy 3rd monthsary. sweet naman

Bloiggster said...

thanks, guys! :)