Bano ako sa pangliligaw. At alam yan ng mga malalapit ko na kaibigan.
Kapag may gusto ako na tao, babae man o lalake, tumitiklop na ang buntot ko kapag kasama ko na sila. 'Di ako marunong magsabi ng aking nararamdaman o kaya nama'y di man lang makapagsabi ng aking intensyon.
Naalala ko tuloy yung niligawan ko na orgmate ko nung college. Gustong gusto ko sya kasi bukod sa maganda sya, matalino pa. Alam ng mga orgmate ko na may pagtingin ako sa babae na ito kung kaya't ilang beses na nila ako sinasabihan na magtapat na imbis na tumitig nang tumitig na lang sa kanya sa tuwing kami'y magkasama sa tambayan.
Nakapagtapat naman ako sa kanya na may pagtingin ako subalit ginawa ko sa tradisyonal na pamamaraan. Nagpadala ako ng love letter sa bahay nila. Ilang beses ko ito ginawa hanggang sa sinulatan din niya ako at sinabing tigilan ko na daw ang pagsulat sa kanya at sabihin ng derechahan sa kanya ang aking nararamdaman. Pucha! PATAY! Eh di ko nga kaya yon! Torpe kasi ako! Ano na gagawin ko? Susuko na lang ba ako sa mga karibal ko sa kanya? PUTA naman! Sa madaling salita, di kami naging magsyota. May naka-una na sa akin kasi TORPE ako!
Pagdating naman sa mga lalake, TORPE pa din ako. Akala ng mga tao eh ang landi landi ko kasi matindi ako maglandi online lalo na sa mga chatroom (lalo na nung may Yahoo chatrooms pa). Sikat na sikat ako non sa chatroom. Maangas pa! Mahilig din magshow sa cam! Kaya madaming gustong makipagdyugdyugan sa akin. Ang dami kong invitation na mag SEB. Pero syempre, di ako pumapayag. Pag type ko lang, saka ako papayag at makikipag cam to cam na may mukha.
Naalala ko tuloy yung una kong naging syota na lalake (na isinusumpa ko at nagsisisi ako na nakilala ko sya): Siguro ilang araw lang kami nag chat, nagkita at matapos ang ilang araw ay nagdesisyon kami na magsyota na kami. Wala nang ligaw ligaw. Puta, sabi ko nga, di uso sa akin ang ligaw. Aba, kung gusto niyo ang isa't isa, syempre eh dapat ay wala nang paligoy ligoy pa. Pareho kayong lalake kaya dapat walang arte. Walang pa-Maria Clara. Lecheng ligawan yan! Di ako marunong nyan. Dapat walang pahirapan, tutal pareho naman kayong may titi, di ba?
Kung titignan ko ang aking nakaraan, bigla kong naalala ngayon na never nga akong nanligaw sa lalake. At kung may nanliligaw sa akin ay sinusupalpal ko agad dahil ayoko nga ng ganung istayl pagdating sa M2M. Pero di naman ibig sabihin non na di ako sweet na tao. Basta kung gusto, sunggab na agad at baka mawala pa yan. Tinatandaan ko lagi na iba ang lalake sa babae. Puro testosterone yan kaya laging libog. Kung may makitang ibang putahe yan, patay na kaya kung type mo at type ka, GO DUDE!
Pero pagdating sa babae, ibang usapan na yan. Syempre nang tumanda tanda na ako, natuto na ako na manligaw. Meron akong steady date for almost two years. Puta, lahat ng bagay ginawa ko para sa babae na ito. Akala ko, sya na ang aking pakakasalan pero sa katapusan, sinaktan niya din ako. Di din naman kasi kami nagkasundo dahil matindi kami magpataasan ng ihi lalo na kung nagkakaroon ng tampuhan. Niligawan ko yang babae na yan. Sinuyo suyo, nagpakabayani, nagpakabait at nagpaka prince charming sa kanya pero nauwi din ang lahat ng ito sa wala. So sad.... Tsk tsk tsk...
Kaya ako, pilosopiya ko ngayon, wala nang ligaw ligaw. Kaya nga nung nakita ko baby ko sa unang araw pa lang ng aming pagkikita, di ko na pinakawalan, derechaham agad: do you like me? coz I like you. Would you like to be mine? At nung sinabi na YES, aba'y GO! TAYO na! At once tayo na, pangangalagaan ko ng husto ang relasyon na ito! We barely knew each other but as days went by, unti unti naming nakilala ang isa't isa. Masaya nga yung period of discovery eh! Di boring. Masaya! At May laging bago sa tuwing magkasama lalo na ang mga kuwento habang magkahawak ang kamay o kaya'y magkayapos sa kama.
Kaya para sa akin, mas okay pa na walang ligawan kung M2M, kung sa babae, ayos lang naman kaya lang kelangang paghirapan yun na parang nag iigib ng tubig o kaya'y nagpuputol ng kahoy panggatong...
4 comments:
Naalala ko nung tinamaan ka kay Tinkerbell. Sobrang ewan ka nun. Bwahahahahaha!
nag maganda ka na naman hahaha
paki-clarify:
"Naalala ko tuloy yung niligawan ko na orgmate ko nung college."
------------------------------
orgy mate or organization mate?
below sea level kasi ang IQ ko after ng bagyo. Thank you po.
(amfotah walang anonymous!)
@knox: ahihihihi! nangyari ba yun? lasing lang ako nun! LOL!
@marhk: TSE!wag nakikibasa ka lang ng blog kaya tigilan yang kaburautan! tse ulit!
@buraot: malaswa ka talaga! lecheng bakla na to!
Post a Comment