Wednesday, October 21, 2009

I Miss...

When I was a fresh graduate, I told myself that I WILL NEVER LEAVE the Philippines and work abroad. Hmmm... Well, I guess kinain ko na ang mga sinabi ko na yon dahil wala ako sa 'Pinas ngayon at kasalukuyan nagtatrabaho sa ibang bansa.

A few days ago, I was chatting with one of my closest friends and I told her that after this experience, I don't think that I'll be be leaving the Philippines again.  Expatriate life is NOT for me. 

My mom kept on telling me that there is NO future in the Philippines but then again, it is us who makes our future.  In order to have a good future, work hard for it!

I'm writing this entry because I just want to write down the things that I miss about the Philippines.

I miss...

1. JOLLIBEE! Kung dati-rati eh sobrang nagsasawa ako sa fastfood na ito, ngayon naman ay sobrang miss ko na ang regular yum with cheese, ang chicken joy, peach mango pie, palabok fiesta and pinakapaborito ko sa jollibee, ang jolly hotdog! Sana may Jollibee na lang dito.



2.  PINOY FOOD- Miss ko ang sinigang, dinuguan, kare kare, lechon, bulalo, bbq, isaw, batchoy, nilaga, pochero, siomai, pancit canton, tapa, menudo, asado, binagoongan, crispy pata, sisig at lahat ng kinakain ko nung nasa Pinas ako! (Note: naglalaway na ako sa gutom habang sinusulat ko ito at there's an urge to go home to the Philippines).  Kaya ang plano ko, tanging Pinoy food lang ang kakainin ko sa first week ko sa Pilipinas pag umuwi ako! Lamon galore talaga ang gagawin ko sa pagdating ko!


3.  I miss riding the jeepney, the FX and the LRT/MRT! Sawang sawa na ako sa mga pangit nilang bus at angkot dito! Bukod sa masikip ay mabaho pa ang mga ito!  Iba talaga ang mga sasakyan na ginagamit ng mga Pinoy.  Kahit madaming kaskasero na jeepney at fx drivers, nakakamiss pa din ang sumakay sa mga ganitong public transpo dahil komportableng nakaka-upo at bihira lang naman ang mga gago na sumasakay dito.  Miss ko ang LRT/MRT. Kahit na minsan ay mukhang sardinas ay mabilis naman ito at iwas sa traffic di tulad sa bansa na ito na masyadong ipinagmamalaki ang busway nila na natatraffic din naman!  Sabi nga ng isang kaibigan na nadestino dito sa Jakarta for the first time, traffic here is way worse than Manila!

4.  Miss ko ang mga palabas na Pinoy.  Dahil sa pagtatrabaho dito, ngayon ko naaappreciate ang mga palabas na ito.  Inaamin ko na may mga shows akong paborito at namimiss ko panuorin pero sa ngayon, parang miss ko lahat ng mga palabas na Pinoy lalo na yung mga shows ng ABS-CB kahit dati rati naman ay dinededma ko lang naman yung iba sa kanila. Namimiss ko panuorin ang TV Patrol World o kaya'y Bandila. At tuwing Linggo, namimiss ko panuorin ang ASAP, dahil na din sa mga song and dance numbers nila. Nakanuod na din ako ng variety shows dito pero taob na taob sila pagdating sa production value ng mga Pinoy. Kahit ang corny na SOP ng GMA ay kayang kaya silang pataubin!

5.  Miss ko ang mga malls na tambayan ko. Ang Megamall at Shangri-La Plaza sa Mandaluyong, ang Eastwood mall sa Quezon City at ang Robinson's Metroeast sa Pasig. Kahit na sobrang dami ng malls dito ay iba pa din ang ambiance at amoy ng Pinoy malls. Iba pa din ang crowd na pumupunta doon. Kahit na mas sosyal ang mga malls dito, mas pipillin ko pa din ang mga malls natin sa Pinas. Saka mas madaling makabili ng mga personal na pangangailangan di tulad dito na masyadong limitado! At siyempre, isa pang dahilan ay may Fitness First sa mga malls na karaniwang pinupuntahan ko kaya napaka-convenient!

Hays, Pilipinas, I truly miss you! I can't wait to go home in December!

7 comments:

Mugen said...

Interesting post. Kala ko mas progressive ang Jakarta kesa sa atin. Base sa iyo, mukhang hindi.

Anonymous said...

ayun pasalubong ha.

RainDarwin said...

isama mo si "baby" mo d2 sa pinas para makilatis namin.

Abou said...

pwede ka naman magluto ng mga pakaing pinoy cguro dyan. sa internet mo na lang panuorin mga palabas na pinoy

Marhk said...

Tiyang! What did I told you before?!.....well ako naman di pa ko gumagraduate ng college dream ko na talagang mag abroad!! kaya nun at the age of 20 going 21 way back? never mind the year? hahaha gow agad sa Netherland....first time ko nun ma lokaloka ako sa lungkot! hahaha...pero now sanayan lng talaga! sanay akong iwanan at mang iwan!

Pag dating sa mga company na inaaplayan ko dati my personal policy " If the price is right" resigned agad at transfer dto lng ko ngtagal 3 yrs str8 hehehehe......

Soul Yaoi said...

My family is like that too. Me and my dad not so much. :P Love my famliy sa Pinas though. :)

citybuoy said...

hala nagutom tuloy ako. haha