Marami na ding nangyari sa aking buhay propesyonal at personal. Madami na ding naging karanasan at mga lugar na napuntahan. Bagaman madaming mga bagay bagay na naganap sa aking buhay, nakakamiss din pala ang magsulat at magbasa ng blogs. Hindi ko talaga alam kung ano nga ba ang aking nakain at natigil ako sa pagbabasa at pagsusulat. Marami naman akong dapat isulat batay na din sa aking karanasan. Naging venue na din kasi ang blog para sa akin na maglabas ng sama ng loob o kayay magsulat ng mga kakatwang karanasan ko sa ibang bansa. Gayunpaman, natigil ang lahat ng ito mga isang taon na din ang nakakaraan.
Siguro, panahon na upang muling gumising at magsulat nang sa gayon ay muling maglaro ang mga salita at mga pangugusap na noon ay madalas kong gawin sa blog na ito. Sana naman ay meron pa din akong mambabasa.
1 comment:
Welcome back, sir bloiggster! :)
Post a Comment