Sunday, February 13, 2011

Panibagong Yugto

I have not written any blog entry for the past 3 weeks. Why? It's because I have been busy these past three weeks.

Isang bagong yugto na naman ang aking sinuong. Isang yugto na di ko man lang inasahan na magbubukas ng ganito kabilis. Subalit tulad ng mga nakaraang yugto ng aking buhay, buong tapang ko itong hinaharap sa kasalukuyan.

Akala ko, magtatagal ako sa Maynila ng maraming buwan bago muling makapagtrabaho overseas. Meron pa nga akong nakuhang trabaho di ba? Subalit dahil kumatok ang isang bagong oportunidad, agad ko itong kinuha. At dahil dito, nabura ang lahat ng mga plano ko habang ako ay nasa Metro Manila. Hindi pa nga ako nakapagpaalam ng mahusay sa lahat ng aking mga kaibigan kabilang na ang mga engkanto. 

Because of this new opportunity that God has given me, I have decided that I will do a good job, save money and be wiser. I do hope that I'll do well with this new endeavor.

Wish me luck guys!

4 comments:

RainDarwin said...

umalis man lang na walang paalam, hmp!

uno said...

good luck and good luck sa mga engkantos na katulad mo heheheh

happy for you

and happy valentines n rin

Marhk said...

go go go sis!! wish u luck!

Luis Batchoy said...

goodluck paps