Bagaman sagana ang Pilipinas sa mga bulkan, di ko masasabi na nakabisita na ako o nakalapit man lang sa bunganga ng bulkan sa ating bansa. (Ni hindi ko pa nga nakikita sa personal ang Bulkang Mayon)
Ang paglapit o pagtungo mismo sa bunganga ng bulkan ay nagawa ko dito sa Indonesia nang ako ay nagtungo sa Tangkuban Parahu sa West Java.
Sadyang kay gandang pagmasdan ang bulkan lalo na ang bunganga nito dahil nakikita mo pa ang mga usok na nagmumula dito at naaamoy ang nakakasulasok na amoy ng sulfur. Tatlong magkakatabing bulkan ang pinuntahan namin subalit off limits daw ang bunganga ng 2 dahil sa poisonous ang sulfur na ibinubuga nila kaya dun na lang kami sa isa, ang Kawah Domas.
Halos 300 metro din ang nilakad namin upang makarating sa bunganga ng bulkan. Ang bulkan ay pinangalanang Kawah Domas. Sa aming paglalakad ay nakita namin ang epekto ng bulkan sa mga pananim. May mga puno na nangingitim ang trunk at sadyang malulusog ang mga ito dahil na din sa mataba ang lupa. Meron ding guide at mga nagtitinda ng kung anu-anong abubot mula sa bulkan ang sumama sa amin. (Katunayan, isa sa kanila ang aking naging crush! Bwahahaha)
Pagdating namin sa bunganga ay sadyang na-amaze kami. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kami ay nakarating sa bunganga ng isang bulkan. Talagang umuusok usok pa ito. Nakapaglaga pa kami ng itlog sa kumukulong tubig at nagbabad ng paa sa medyo maligamgam na bahagi ng bulkan. (Habang si crushie ay nagkukwento sa kasaysayan ng bulkan). Di ako makapaniwala na ako'y nasa bunganga ng isang aktibong bulkan.
Isang napakagandang karanasan at mahal din dahil ang mga vendors na sumama sa amin ay pinagbentahan kami ng mga abubot na sobrang mahal. Gayunpaman ay bumili ako ng isang bracelet na gawa sa materyales na mula sa bulkan mula kay crushie. Hehehe!
Sa aming pagbalik sa aming sasakyan (na kinailangang lakarin muli) ay biglang umulan. Basang basa ako pero ok lang. Naging maganda naman ang aking karanasan dahil nakabisita ako sa bunganga ng isang bulkan. At syempre, nag offer si crushie ng kanyang jacket pero pa-demure ako at tinanggihan ko. Hahaha!
_________________________________________
Indonesia is part of the Ring of Fire. It is normal for this country to experience natural disasters like earthquakes and volcanic eruptions. Eversince I came to this country more than a year ago, tragedy has struck several parts of this mostly Muslim nation. Strong earthquakes have jolted the islands of Sumatra, Moluccas and Java, not only once but more than twice. I personally experienced 2 strong quakes here in Jakarta. And now, a strong earthquake rocked the coast of West Sumatra (7.5) creating a tsunami that inundated the islands of Mentawai. As of posting, more than 300 people are dead and hundreds are missing. Meanwhile, in Central Java, Mount Merapi has already claimed 20 lives and a stronger explosion is expected.
I just hope and pray that this nation, which I called home for a year and a half will recover from these tragedies. God bless the people of Indonesia.
Sent from my BlackBerry® smartphone from Sinyal Bagus XL, Nyambung Teruuusss...!
6 comments:
Honga, takaw lindol at earthquake ang Indonesia.
just be safe always chief. ingat ka diyan.
@mugen: kalurkey talaga ang lindol dito. May kapartner na tsunami.
@hondafanboi: daghang salamat, bai :)
nabasa ko ang chatbox ni papa solts... ibobottom ka raw... ching lang di ganun ang pagkasabi.
@pilyo: lukaret!
Interesante experiencia..parece ser un lugar precioso (en la foto) yo nunca e visitado un volcán pero según cuentas en una aventura!!
gracias.
Post a Comment