Mahigit isang buwan na din akong di nakakapagsulat ng entry dito sa blogspot. Bagaman marami akong naisip na isulat nitong mga nakaraang linggo, wala lang ako sa mood na magsulat dahil na rin siguro sa pagod sa trabaho.
Been working like a dog since I arrived in this foreign land. Nanibago ako sa aking trabaho dahil nabago ang aking work assignment. Sa katunayan, kahit ilang linggo na din ang nakakaraan ay patuloy pa din akong nangangapa sapagkat sadyang bago ito para sa akin.
Anyways, simula nang dumating ako dito ay nagsimula na ulit ako magdiet. Sobrang lumaki kasi tyan ko noong holidays sa Pinas. Kahit gym ako ng gym noong December ay nahirapan ako imaintain dahil sa dami ng kainan na pinuntahan ko.
Ive been trying my best to go to the gym regularly pero ang pinaka maximum ko pa din ay 3 times a week dahil na din sa layo ng gym at mahal ng taxi. Anyways, kahit pa ganon ay nag eexercise na din ako dito sa bahay. In fact, meron akong video na dinala dito sa Jakarta para ma-ifollow ko at isa na dito ang pagpapaliit ng tyan. Sabi ko nga, operation balik abs! Nagiskipan kasi mga pantalon ko eh.
Matagal na din ako di pumapasok ng blogspot at wala masyadong balita sa mga engkanto. Kumusta na kaya ang mga lamanglupa at kutong lupa? Kakamiss din sila kaburautan. Minsan ko na lang din kasi sila makita online dahil masyado na ding limitado ang aking pag-oonline bukod pa sa tintopak ang aking koneksyon dito sa bansang ito. Believe it or not, I miss PLDT MyDSL!
O siya, dito na lang muna, sana makapagsulat ulit ako bukas dahil wala naman ako masyadong gagawin bukod sa pag gym at pagtanga sa loob ng bahay...
1 comment:
and you did not write today...
Post a Comment