Thursday, March 31, 2011

Mula Klasmeyt hanggang Bloiggster

Isa sa mga nilagay ko sa singkwentang bagay ukol sa akin ay ang pagiging chatter ko mula pa noong 1998.

Nagsisimula pa lang ang mundo ng chat sa Pinas ay miyembro na ako nito. At dahil sa pagiging chatter, nadiskubre ko ang kakaibang mundo ng cyberspace. Sa cyberspace, puede kang magpanggap. Sa cyberspace, puede mong ibahin ang katauhan mo na hindi ka makikilala ng mga taong ka chat mo. AT cyberspace ay maaari mo ding makilala ang makakasex mo o kaya'y magiging partner mo. Dito nabuo ang katauhan ni Klasmeyt.

MIRC

Ipinakilala sa akin ang MIRC ng isang kakilala sa trabaho. Masaya daw ito dahil madaming chatrooms at madami kang makikilala na mga chatters. Noong una, wholesome na chatrooms lang ang pinupuntahan ko hanggang sa sabi nung isa kong ka chat, punta ka sa #pinoysex at #libog. Nang magpunta ako don, laking gulat ko na napakadaming chatters sa room at kelangan mong mag pa impress para may mag mack sayo. Hindi pa ako exposed sa mundo ng mga PLU nung panahon na yon kaya't nagugulat ako na may mga lalake na nagmamack sa akin.  Sa MIRC ko nakilala ang unang lalake na nag BJ sa akin. Noong una, nerbyos na nerbyos ako dahil di ko alam kung paano yun ihahandle. Hanggang sa nakipaglandian ako sa kanya sa chat at pinag usapan namin ang lugar na pagkikitaan at yun ay ang SM North Edsa. Dadalhin nya daw ako sa bahay nila at doon ko sya titirahin. Pero dahil may tao sa kanila nang dumating kami ay napagdesisyunan namin na bumalik na lang sa SM at doon niya ako tsinupa. At dito nagsimula ang pagiging bahagi ko sa mundo ng PLU.

ICQ

Sikat na sikat ang ICQ. Kakaiba ito sapagkat individual chat ito. Tapos, maghahanap ka ng mga profile ng mga tao na maaaring interested ka kausapin. Dito ko nameet ang ilang mga foreigners na naka SOP ko pa. Talagang tumatawag sila sa Pinas para lang makipag SOP sa akin. Syempre, peke na picture ang aking pinapakita sa kanila. Parang picture ata yun ng isang di sikat na sexy actor noong late 1990's.

Yahoo Chatrooms

Dito nagsimula si Klasmeyt. Si klasmeyt ay maangas na chatter. Mahilig makipag taasan ng ihi online. Papasok sya sa mga yahoo chatrooms at makikipag landian, magpapakita ng katawan hanggang sa magbubukas ng camera upang mag show. Patok na patok ang mga shows ni klasmeyt noong panahon na yun. Sikat na sikat sya sa chatroom. At dahil sa kasikatan, niligawan pa sya ng ilang mga chatters. Dito din nakilala ni Klasmeyt ang unang tao na makakasakit at dudurog sa kanyang puso.

Nang magkarelasyon si Klasmeyt ay itinigil nya ang pagchachat at pagiging show boy. Subalit nang matapos ang relasyon ay muli nyang pinasok ang mundo ng mga yahoo chatrooms. Dito nya unang nakilala ang Dyosa ng engkantadya. Wala pa ang grupo non. Siguro lumalandi pa din ang Dyosa sa mga yahoo rooms noon. LOL!

G4M

Nang mawala ang mga yahoo chatrooms ay nawalan na din ng libangan si klasmeyt subalit laking tuwa nya nang nadiskubre nya ang website na G4M. Dito sya nakipagkilala sa kung kani kaninong malilibog na lalake sa Metro Manila. Dito sya nakipagchat sa pamamagitan ng mga THREADS ng kung sinu sinong users. At dito nya na din nakilala ang mga karakter na magiging personal nyang mga kaibigan sa hinaharap: sina Centurion, Orbiter, Str8manly, Itagay mo Pards, at si Marhk. Nakilala nya din si Ramrod at Alvin Fairview. Naging aktibo si klasmeyt sa mga threads at tulad na ng nabanggit na, maldita sya. Siya ang umaaway sa mga feeling maangas sa thread at sa mga umaaway sa mga kaberks nya. Mahilig manindak at porke't naggygym, mahilig manghamon ng sapakan.  Matapos ang ilang buwan, ay nabawasan ang pagiging active ni klasmeyt sa G4 dahil sa bagong trabaho. Nawalan sya ng kontak sa mga taong naging kaclose nya maliban kay Centurion.

Dahil nag iisa sa kanyang nilipatang lugar at trabaho, nagdesisyon si klasmeyt na lumikha ng bagong katauhan sa G4M at yun ay si Bloigg. Si Bloigg ay naging mapusok. At dahil madalas nang mag gym noon ay gumanda ang katawan. Naging malandi ay madaling naibenta ang sarili sa G4M. Madami syang nakilala at nakasex mula sa website. Sinubukan niya din ang mga threesome. Sobrang benta ni Bloigg. Nakilala nya din ang dalawa sa naging karelasyon nya sa website na ito. Ang isa ay isang kaibigan na ngayon at ang isa ay itinakwil na nya.

Si Bloigg din ang nakadiskubre sa nabuong samahan ng mga dati nyang kaberks sa thread. Muli niyang nadiskubre na naging close na pala ang mga bakla at nagkikita kita pag may pagkakataon. Nanghinayang si bloigg dahil di nya sila nakilala ng lubos at nakasama. Hanggang sa nagkaroon ng pagkakataon na makita sila dahil sa isang imbitasyon ng taong nakilala niya sa G4.

BLOGSPOT

Si Bloigg/Klasmeyt ay mayroong blog na personal noon pa man subalit ang lahat ng ito ay puro wholesome. Subalit nang dumating si Rain Darwin sa central part ng Pilipinas upang bumisita ay pinakilala nya kay Bloigg ang blogspot. Pinabasa nya ang blog niya at gayundin ang blog ng dating kaberks ni klasmeyt sa G4 na si Orbiter. Ang galing pala magsulat ni Orbiter. Na inspire si bloigg na gumawa ng blog na magpapakita ng kanyang mga kalandian at personal na karanasan. Kung kaya't ginawa nya ang blog na binabasa mo ngayon dito sa blogspot.

At dahil na din dito ay muli niyang nakilala ang kanyang mga dating kaberks. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay nakikita nya ang personalidad ng bawat isa sa kanila kabilang na din ang mga bagong kakilala online. Natutuwa si bloigg dahil sa pamamagitan ng blogspot ay nagkaroon na siya upang makilala at mauwaan ang katauhan ng kanyang mga bagong kaibigan. Ang maganda dito, nakita na nya silang lahat at nakasama na sa mga inuman. Bagaman hindi kasindalas tulad ng karamihan ang kanilang pagsasama, itinuturing pa din ni Bloigg na malapit na kaibigan ang kanyang mga nakilala sa G4M thread noong siya ay si Klasmeyt pa lang.

Yan si Klasmeyt at Bloigg, noong una ay sobrang pusok subalit nang lumaon ay naging tamed na. Dahil na din siguro sa edad.

2 comments:

jc said...

you had me at "Sobrang benta si bloigg". ikaw naaaaaaaaa! ikaw na ang shoti ng dekada nobenta! CHAROT! hahaha! mwah!

RainDarwin said...

tamed? ano daw?