Thursday, December 17, 2009

Sa Loob ng Simbahan

Sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal, ipinamalas niya dito ang ilan sa mga nakakainis na habit ng mga Pilipino sa loob ng simbahan sa tuwing nagkakaron ng misa:

May mga batang naglalaro, umiiyak, mga taong nagkukuwentuhan, mga lalaking lumalabas sa tuwing magsisimula na ang sermon at kung anu-ano pang ritwal na ginagawa ng mga Pinoy sa loob ng simbahan.

I have two pet peeves whenever I go to church.

1. I definitely abhor people who use their cellphones inside the church. For us Catholics, mass is only for an hour. During this time, we are supposed to join the community in worshipping God. It provides us an opportunity to talk to our Creator. I guess it is but right, that we give this time to HIM.

Whenever I see people use their cellphones while mass is going on, I wanna snatch their phones, throw it away and give the owner a lecture on proper church etiquette. (but of course, I haven't done that, yet)

Can't we just suspend our texting for an hour? Anyways, we have the remaining 23 hours to use the cellphone. right?

2. People talking in church while the priest is giving his sermon or when the host is being consecrated. For pete's sake! I went to church to listen to the priest give his thoughts about the gospel and if I'm lucky, relate it to present day conditions. I didn't go there to listen to other people relate their stories to friends, gf, bf or relatives! Again, you went there to talk to God and not to your companions. Do not compete with the priest! You have all the time in the world to do that outside church hours.

When that happens, I really look at the people who talk and wait 'til they realize that they are disturbing other church goers.
___________________________________________

Ang bansa natin ay 80% na Katoliko. Ngunit nakalulungkot isipin na hindi lahat sa 80% na ito ang nakakaunawa sa doktrina ng Simbahang Katoliko. Marami pa din ang patuloy na sumusunod sa mga ritwal ng simbahan na may piring ang mga mata. Kapag tinanong mo sila kung bakit nila iyon ginagawa, bihira sa kanila ang makapagbibigay ng malinaw na paliwanag na nababatay sa katuruan ng Simbahan.

Kung kaya't maging sa pagsisimba ay makikita ang kadalasa'y walang pakundangang pambabastos sa seremonya ng pagsamba sa Maykapal sapagkat hindi naman nabigyan ng nararapat na edukasyon ang pangkaraniwang Katoliko.

Sa tingin ko ay mahina ang tinatawag na Katesismo ang Simbahang Katoliko sa Pilipinas. Ito ay marahil na din sa napakadaming bilang ng Katoliko sa ating bansa at hindi sapat ang bilang ng mga pari o lay volunteers upang maturuan ang lahat ukol sa turo ng simbahan.

____________________________________________

Subalit ang hiling ko lang sana ay matauhan ang bawat isa sa atin na ang isang oras na nilalaan natin sa loob ng simbahan ay dapat na ituon sa ating pakikipag-usap sa Maykapal at kalimutan muna ang cellphone at ang pakikipagkwentuhan sa katabi.

Hindi naman siguro kelangan ng Katesismo upang malaman ng isang tao ang tamang etiket sa loob ng simbahan.

Respeto lang...yun lang!

1 comment:

Mugen said...

As much as possible, kapag gusto kong makipag-usap kay Bro eh iniiwasan ko sumabay sa misa.

Gusto ko ng one-on-one lang. :)