Thursday, November 5, 2009

Ang Pimple

Sabi nila, pag may pimple ang isang tao, inlababo daw.

Hmm..pero bakit ngayon lang ako nagkapimple eh matagal na naman akong inlove sa asawa ko?

Sabi naman ng mga kasama ko sa trabaho, baka daw kasi inlove sa akin yung katrabaho ko na Pinay. Patulan ko na daw kasi kayang kaya ako buhayin ng babae na yun dahil sangkatutak na daw ang pera sa kanyang bank account.

Pero naman, yoko naman ng ganun. Ayoko nga umasa sa babae! Saka haller, taken na ako! May asawa na ako ngayon! Yun nga lang, di kami legally kasal. Kahit live-in, di din. Pero inlababo ako sa baby ko!

Pero lately, napapansin ko na napaka generous ng babaeng ito sa akin. Madalas niya na ako bigyan ng pagkain. Isang umaga nga, pinapunta pa nya ako sa tirahan niya kasi bibigyan niya daw ako ng prutas. 

Sana naman, natutuwa lang siya  at walang ibig sabihin ang pagiging mabait at generous niya sa akin.

Taken na kasi ako at syempre, ayoko makasakit ng damdamin kung sakaling magkaron sya ng feelings sa akin. Ayoko na ulit magpaiyak ng babae.  At ayoko din masisi ng mga kaibigan kapag nasaktan ko ang bebot na iyon.

Kaya dapat friends lang kami. Super married na kaya ako sa baby ko! Yun nga lang, di ko puedeng sabihin sa kanila yun dahil baka ma-shock sila. Akala pa naman nila eh barakong barako ako! Di nila alam, eh ako ang reyna ng Engkantadya! :))

Kaya ang pimple na ito, ang feeling ko lang ay dahil sa pagkain ko ng madaming chocolates dahil tinitiyawat talaga ako sa tsokolate at syempre impluwensiya na din ng polusyon dito sa siyudad na ito.

8 comments:

xtian1978ii said...

hehe katuwa naman, baka gusto ka tikman at ginagayuma ka na

Boying Opaw said...

Ito daw ang ginagamit ni datswhy:
AIROL Tretinoin .05%

Ako naman ang gamit ay Benzac AC Gel 5% (Benzoyl Peroxide).



Pakealamero,
Boying Opaw

john stanley said...

at least sa chocolate hindi sa mani, hahaha!

marhk said...

gaga! ajax at perla lng ang katapat nyna sa iyo! hehehehe

Bloiggster said...

@xtian: di naman siguro

@boying opaw: hehehehe

@john stanley: aba nagcomment ang lola ko! mishu sister!


@marhk: leche ka! luka luka! lol

xtian1978ii said...

haha we'll never know kaya konting ingat kung ayaw mo ng seafoods lol

citybuoy said...

patulan mo na! haha para di nakakasawa. haha

Mac Callister said...

hehehe lagot ka!