Monday, September 14, 2009

I need suggestions!

Okay, panahon na naman ng tinatawag na Lebaran dito sa Indonesia. Ito ang parang Pasko nila dito. Katapusan na kasi ng Ramadhan o ang buwan ng fasting. Ibig sabihin, holiday! Isang linggo walang pasok ang mga Indos.

Ako naman, napa-aga ang bakasyon. Simula ngayong araw na ito, wala akong papasukang trabaho. Dalawang linggo ako walang trabaho. O di ba ang saya? Kaya nga lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa loob ng dalawang linggo.

Alam ko na puede ako mag-gym araw-araw na aking gagawin simula ngayon. Puede din akong manuod ng sangkatutak na DVD na aking dinala dito sa Jakarta. Gusto ko din mag-gala subalit hindi naman ito Metro Manila para magala ko. Bukod sa karamihan ng mga establishments ay magiging sarado lalo na next week, di ko naman kabisado ang Jakarta.

Ano pa kaya ang puede ko gawin dito sa Jakarta? Hmmmm.....

(May trabaho kasi asawa ko eh)

2 comments:

MkSurf8 said...

get out of jakarta. or indonesia. go bangkok/vietnam/cambodia. airlines are dropping their fares =)

Soul Yaoi said...

Site seeing might be fun!