Sunday, July 19, 2009

OFW Chronicles: Tiga Minggu

Tiga Minggu- Bahasa Indonesia para sa three weeks.

Tatlong linggo na ako dito sa Indonesia. Madami dami na ding nangyari sa akin na di ko naisulat. Madami na din akong nakilala na mga Indonesians at mga Pinoy. Napasama na din ako sa grupo ng maliit na Filipino Community dito.

Nagsimula na din ako sa aking trabaho. Kaya medyo naging busy na din ako sa aking buhay dito.

Nasira na din ang routine ko simula nang dumating ako sa Jakarta dahil sa loob ng tatlong linggo ay 4 na beses pa lang ako nakakapag gym. Buti na lang ay di pa nasisira ang katawan ko dahil sa kakakain at katutulog dito. Buti na lang may sex kaya nagka exercise pa din ako kahit papanol. Pero apat na araw lang din yun nangyari. Isang linggo na ako behaved.

Nakakamiss din ang Pilipinas kaya naging kaagapay ko ang YM at Skype para patuloy na makakonek sa pamilya at mga kaibigan. Parati din ako nagbabasa ng ABS-CBNnews.com at GMAnews.TV para updated pa din sa mga nangyayari sa bansa.

Nasasanay na din ako kumain ng mga pagkain dito sa Indonesia. Yun nga lang, tulad nga ng sabi ko sa mga kapwa Pinoy na bago dito sa Indonesia, baka magkapakpak na kami pag-uwi ng Pinas dahil sa kakakain ng manok. Nasasanay na din ang aking dila sa maanghang na pagkain. Nakakakaiin na ako ng fried chicken sa KFC, A&W at Popeye's na may kasamang chilli sauce ang ketsup. Ang mga cup noodles ko naman ay maanghang din. Wish ko lang ay di ako magka-almuranas.

Natuto na din ako magluto. Kanina lang, nagluto ako ng adobo, sweet style dahil maling toyo ang nabili ko. Oo, maling toyo kasi tatlong klase pala ang toyo dito. May matamis, may maalat at yung maanghang. Since di ko naman maintindihan ang mga labels sa bote, eh di binili ko nung makita ko na soy sauce. Buti na lang yung suka, suka talaga at hindi muriatic acid.

Three-day weekend ngayon sa Indonesia pero stay put lang ako dito sa tirahan ko ngayong araw na ito. Nagluto at nag internet lang buong maghapon. Bukas ko na gagawin ang inuwi ko na trabaho. Kahapon naman ay nag gym lang ako at nakipag EB sa isang Thai na nakabased din dito sa Jakarta. Oo nga pala, LURV ko na sya! hahaha!

Im sure madami pang mangyayari sa akin sa mga susunod na linggo at buwan at muli ko na namang tatakbuhan ang blog upang maisalaysay ito at maibahagi sa inyo.

Hanggang sa muli!

Terima Kasih sa pagbasa ng aking blog.

4 comments:

ENCANTOS' said...

parang ang tinu-tino ng blog mo ngayon. dahil ba inlurv ka?

ingat ka lagi dyan. miss ka na namin dito.

tsup.

MkSurf8 said...

KFC na walang gravy! hassle!

mukhang enjoy ka naman sa Jakarta. ingat ka na lang sa mga sumasabog. i mean the OTHER sabog. =)

<*period*> said...

salamat matahari terima kasih!

magiingat ka po diyan...

nice to know nagluluto ka na..ganiyan ang isa sa mga unang bagay na nagagawa ng mga nagiisa..ang matutong magluto

hinay lang sa spicy, lalo kang magiging malibog, este bak magka-almuranas ka..hugs

Soul Yaoi said...

Take Care!